Wednesday, April 21, 2010

Ang Disipolo ni Zeus:Mahiwagang Kanin ni:Joemar Bueno

Sa isang bayan ng kahiwagaan, kung saan nakatira ang mag-asawang sina Pepe at Sura. Sila ay parehong pinanganak sa parehong mahirap na pamilya.Halos di sila magka-intindihan simula nung sila'y nagsama.
Laging nasa sugalan si Pepe at si Sura naman ay naghahanap-buhay.
Dumating ang isang areaw na halos hindi na sila makakain dahil lahat ng napagbentahan ni Sura ng kakanin ay pinatalo ni Pepe sa sugal.Di nila malaman ang kanilang gagawin dahil sa sobrang gutom,kaya napilitan si Pepeng magnakaw sa kanilang kapit-bahay ng pagkain imbes na humingi sana. Pagkatapos magnakaw ni Pepe ay sinabi niya sa kanyang asawa na umutang siya sa tindahan. Kaya dahil sa sobrang gutom ay agad-agad kinain ni Sura ang pagkain na ninakaw ni Pepe.

Kalaunan kakaibang nadama si Sura,sa d pagkakaalam ni Pepe na ang ninakaw niyang pgakain ay ang mahiwagang kanin na pinakakaingat-ingatan ni Lolo Pedro kanilang kapit-bahay na disipolo ni Zeus na pinagkalooban ng mahiwagang kanin na kung saan magliligtas sa buong bayan sa kapahamakan..At dahil dun ay biglang nabuntis si Sura.
Lubos ang pagkatuwa ni Sura dahil matagal na niya itong pinapangarap ngunit sa kabila nito lubos naman na problemado si Pepe,dahil d niya alam kung san siya kukuha ng panggagastos niya para sa pag-aanak ng asawa.
Dumating ang araw na manganganak na si Sura.Si Pepe ay nakaremedyo ng kunti. Siyay nangutang at napilitang ibenta ang iba nilang kagamitan.
Nailuwal na ni Sura ang ang kanilang anak...
Gulat na gulat ang midwife na nagpaanak kay Sura dahil sa kakaibang tatak na nakalagay sa likuran ng bata.Pinagmasdan ng matandang kapit-bahay nina Pepe ang bata at may napansin siyang kakaiba rito. May kakaibang angking lakas si Supe na nagpa alala sa matanda sa kakaibang kapangyarihan na na naibibigay ng mahiwagang kanin sa mga nakaka-kain dito.

Sa paglaki ni Supe ay may nagbabantang panganib dahil matagal nang gustong sakupin ng mga dayuhan ang kanilang bayan...
Lumaki na si Supe at nagtataglay ng kakaibang lakas at kapangyarihan na na buong akala niya ay siya lamang ang nakaka-alam.Di alam na pinagmamasdan siya ni lolo Pedro.
Isang araw habang nasa skwela si Supe. Ay napaaway sa mga dayuhan ang kanyang ama dahil sa di pagbabayad sa sugal.Yun napaslang ng walang kalaban laban ang kanynag ama.Nang mabalitaan si Sura ang nangyari sa kanyang asawa ay nahimatay siya at si Supe naman ay nagliliyab sa pagkapuot sa mga pumatay sa kanyang ama.
Kaya dali daling hinanap ni Supe ang mga dayuhan. Walang kinalabasan ang kanyang paghahanap dahil sa naka alis na ang mga ito.Kinaumagahan ay sinanay ni lolo Pedro si Supe kung paano gamitin ang kapangyarihang naibigay sa kanya ng mahiwagang kanin. Laking pagkagulat ni Supe,di niya kasi alam na pinagmamasdan siya ni lolo simula pagkabata. Lumipas ang ilang buwan ay sanay na sanay na si Supe sa paggamit ng kanyang kapangyarihan.
Dumating ang isang madilim na araw dahil sa nakahanda na ang mga dayuhan para sakupin ang bayang kinalakhan ni Supe. Panay pagsabog ang narinig ni Supe maraming napaslang ngunit di niya napigilang magalit kaya sa pagkapuot ay napilitan siyang harapin ang mga dayuhang mananakop at nilabanan niya ito ng mag-isa gamit ang kanyang kakaibang lakas at kapangyarihang taglay,sobrang dilim ng bayan dahil sa di na napigilan ni Supe ang kanyang pagkagalit kulog at kidlat ang tumama sa dayuhan at namatay ang mga ito. . Nagtagumpay si Supe ngunit ang kanilang bayan ay nagkawasak-wasak.
Ngunit d sila nawalan ng pag-asa nagsimula ulit sila ng panibagong buhay at pagkatapos ng pananakop ay wala nang nagtangkang sumakop pa sa bayan nila dahil sa nabalitaang karumal dumal na pagkamatay ng mga mananakop.

Sunday, April 11, 2010

Ang anak ni Zeus

ni: Ian Kristofer P. Agbayani

Sa gitna ng karagatan ay natamasa ni Frigel at ang kanyang pamilya ang bagsik nito. Mga higanteng alon na pumapasok sa kanyang bangka.
Pagkatapos ng trahedya’y napansin nito ang isang malaking baul. Kinuha nito at binuksan. Mag inang sina Thera at Ian ang laman nito. Inalagaan nila si Ian dahil siya’y naulila na.
Isang araw inatake ng lamang-dagat ang bangka at nalunod sina Frigel maliban kay Ian na nakatakas sa lupit ng halimaw. Sobra ang kalungkutan ni Ian, at nalaman nito na ang pumatay sa kanila ay si Poseidon. Simula noon ay galit na siya sa mga Diyos at Diyosa.
Nahuli ng mga kawal si Ian at inilagay sa palasyo. Dahil sa laki ng kanyang katawan at alam ng hari na may abilidad ito sa pakikipaglaban, ginawa nilang isang kawal si Ian.
Habang natutulog si Ian, ay linapit siya ng isang agila na puti. Kinausap ng agila si Ian at nagpakilalang siya ang ama nito. Nagtaka si Ian dahil isang hayop ang ama niya pero ilang sandali’y naging si Zeus ito. Hindi naniwala ang anak nito at galit siya sa kanya. Naipamana kay Ian ang kapangyarihan ng kanyang ama. Umalis si Zeus at bumalik sa Olympus.
Umaga’y dumating at ipinadala ng hari ang mga kawal sa isang labanan. Pumunta si Ian at nakipaglaban. Nalaman ng mga kapwa niya kawal na siya’y anak ni Zeus dahil habang sila’y nakikipaglaban, lumabas ang kanyang malakas na kapangyarihan na siyang tumalo sa mga kalaban.
Nagtagumpay sila at naging bayani na si Ian sa kaharian. Binigyan siya ng mga espesyal na serbisyo. Simula noon ay naging tagapagtanggol na siya sa mga naaapi at namumuno sa mga labanan.
Lumipas ang panahon at unti- unting natanggap ni Ian na ang kanyang ama ay si Zeus. Pumunta siya sa Olympus at tinanggap nito ang kanyang ama. Naging makapangyarihan si Ian. Namatay si Zeus dahil sa kanyang kapatid na si Poseidon na gutom sa kapangyarihan. Naging malupit si Poseidon sa mga tao.
Iba’t- ibang mga halimaw ang ginagawa ni Poseidon at ipinapadala nito sa mga iba’t- ibang bayan para maghasik ng kasamaan. Pero hindi pumayag si Ian na mangyari ito, at tinawag siyang Almighty Ian. Siya ang tumutulong sa mga naaapi.
Hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan. Nagharap sina Poseidon at Ian at naglaban. Napatay ni Ian si Poseidon at nagbalik ang kapayapaan sa kaharian. Naging Diyos ng mga Diyos at Diyosa si Ian at naging makapangyarihan. Ipinagpatuloy nito ang hindi natapos ng kanyang ama na tungkulin sa Olympus at sa buong mundo.

Kwintas ng Nakaraan

ni: Robin Giller Agustin

Si Gabriel ay isa lamang sa mga batang magtrotroso sa kanilang nayon. Araw-araw na lang ay pumuputol sila ng mga punongkahoy upang ibenta sa ibang nayon. Dahil sa patuloy nilang ginagawa, halos makalbo na ang lahat ng mga gubat sa kanilang lugar. Wala namang magawa ang mga ibang taga-roon kasi wala namang maayos na pamamahala ang kanilang maliit na nayon upang magkaroon ng legal na batas o utos na ipagbawal ang pagtrotroso doon.

Hanggang isang araw, nangyari na nga ang kinatatakutan ng mga ibang residente sa nayon, tuluyan ng naging kulay tsokolate ang dati’y napakaluntian nilang kagubatan. Agad na nalaman ito ni Diana, ang dyosa ng kagubatan. Nagalit siya ng husto sa mga taga-nayon sapagkat kanilang inabuso ang kanyang biyaya sa kanila. At sa sobrang galit, pinaglaho niya lahat ng kanilang mga alagang hayop, sinalanta ang mga lupang sakahan, tinuyo ang mga ilog, at ang pinakamalala sa lahat, nagpalaganap siya ng nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Sa isang iglap lang, binawian na agad ng buhay ang mga taga-roon, babae’t lalaki,matatanda, maging mga bata ay damay. Kaya naman sobra na lang ang pagkagulat n iGabriel at ng kaniyang mgakasama ng datnan nila ang mga bangkay ng mga tao doon. Wala silang kaalam-alam sa nagyari sa kanila sapagkat nasa ibang lugar sila upang maghanap ng ibang mapagkukunan ng torso.

Habang pinagmamasdan ni Gabriel ang mga bangkay, biglang may humawak sa kanyang paa. Iyon pala ay si Romualdo na naghihingalo na. Tatanungin sana siya ni Gabriel kung ano ang nangyari sa kanila pero inunahan siya nito at sinabing “Kayo, kayo ang may gawa nito, kasalanan niyo”. Nagulat si Gabriel sa sinabi ni Romualdo bago ito namatay. Ngunit pagkaraan ng ilang minuto, doon lang niya napagtanto na dahil sa ginawa nila, pinarusahan ni Diana ang mga kapwa residente nila sa nayon.

Sising-sisi si Gabriel sa kinahinatnan ng mga residente sapagkat dahil sa kanila kungbakit nadamay ang mga walang kinalaman. Ngunit sa kabila ng lahat, kailangan paring ipagpatuloy ng mga batang magtrotroso ang kani-kanilang buhay kaya naman, sila’y naghiwa-hiwalay upang simulan ulit ito.

Isang araw, habang nasa paglalakbay, nakita ni Gabriel ang isang grupo ng mga diyos at diyosa na pinangungunahan ni Hades, ang diyos ng kabilang mundo na nag-uusap. Lumapit siya ng kaunti upang pakinggan kung ano ang kanilang pinag-uusapan, at doon na niya nalaman na balak nilang itumba ang pamamahala ni Zeus upang masakop ang buong sanlibutan. Agad siyang nagtago kasi narinig rin niyang tatapusin nila lahat ng hahadlang. Natakot siya sa bantang iyon kasi kapag nahuli o kaya nama’y nalaman nila na nakikinig siya habang sila’y nagplaplano, siguradong kikitlin siya ng mga ito. Simula noon, wala ng araw na hindi natatakot si Gabriel sa pangambang matuklasan nila ang kanyang sikreto.

Hanggang nangyari na nga ang mga masasamang plano nina Hades, tuluyan na nilang natalo si Zeus at napagharian na nag buong mundo. Naglakas-loob si Gabriel na lumabas sa kanyang lungga para Makita ang kinahinatnan ng giyera. Nakokonsensya siya sa sinapit ng iba bunga na rin ng kanyang kaduwagan. Pabalik na sana siya sa kanyang pinagtataguan nang lumapit sa kanya ang hinang-hania na si Zeus. Pinakiusapan ni Zeus si Gabriel na tulungan siya ngunit wala namang alam na anumang maitutulong si Gabriel. Paulit-ulit na sinabi ni Zeus na siya na lang ang kanilang pag-asa, ang natitirang pag-asa ng mundo. Gulong-gulo si Gabriel sa mga naririnig nito mula kay Zeus. Biglang hinawakan ni Zeus ang kanang palad ni Gabriel tsaka nito ipinatong ang kwintas na isang orasan ang pendant. “Alam kong tanging ikaw na lang ang makagagawa nito kaya ipinagkatiwaka ko sa ioy ang kwintas upang tulungan kang maituwid ang lahat ng pangyayari, mag-iingat ka sa iyong paglalakbay”, paalala ni Zeus bago siya biglang naglaho.

Isinuot niGabriel ang kwintas at pagkaraan ng ilang minuto, biglang nagbago ang kanyang kapaligiran. Naglakad-lakad muna siya upang magmasid hanggang nakita niya na nagpupulong ang ibang diyos at diyosa gaya ng dati. At doon na nga niya nadiskobre na ibinalik siya ng kwintas sa nakaraan. Kaya naman agad na niyang binalaan ang pamahalaan ni Zeus upang ito’y makapaghanda. At nang isinagawa na nina Hades ang kanilang plano , laking gulat nalang nila nang nabuko at natalo sila nina Zeus.

Nagkaroon ng isang malawakang pagdiriwang para sa pagkapanalo nina Zeus at doon rin pinarangalan si Gabriel sa katapangang kanyang ipinamalas. At bilang gantimpala, tuluyan ng naging kay Gabriel ang mahiwagang kwintas na siyang magiging sandata niya tungo sa nakaraan para sa kinabukasan.

“Blackstar” ni Jan Lanier Tolentino

Minahal ng mabubuting tao, kinatakutan ng masasama, eto si Blackstar, tagapagtanggol ng sangkatauhan.

Isang gabi, sumalakay ang grupo ni Orochimaru, ang pinakamahigpit na kalaban ni Sasuke (tatay ni Blackstar). Balak ni Orochimaru na wasakin ang planeta at buong angkan ni Sasuke. Hinarap naman ni Sasuke na walang takot ang grupong binuo ni Orochimaru. Sa kasawiang palad ay natalo si Sasuke dahil isa laban sa marami ay sadyang hindi patas. Ginamit ni Sasuke ang kanyang natitirang lakas at pinadala niya sa ibang dimension ang kanyang kasisilang na anak. Tuloyan ng nawasak ang planeta ni Sasuke. Nadiskobre ni Orochimaru na nawawala ang anak ni Sasuke at inutusan niya lahat ng kanyang kawal na hanapin at paslangin ang sanggol.

Napadpad sa planetang Earth ang sanggol ni Sasuke. May isang mag-asawa na sabik na sabik ng magkaanak ang nakapulot sa sanggol. Pinangalanan nila itong Soul dahil naniniwala ang magasawa na nanggaling ito sa kalangitan.

Pagkalipas ng ilang taon at nadiskobre na ng binatang Soul ang kanyang kapangyarihan. Walang pagkakaiba ito sa planeta ng kanyang ama na si Sasuke, punong-puno pa rin ito ng krimen kaya naman naisip ni Soul na gamitin ang kanyang kapangyarihan upang ipagtanggol niya ang sangkatauhan. Sumusuot siya ng maskara upang takpan ang tunay niyang mukha at ginamit niya ang pangalang Blackstar.

Malapit na ang grupo ni Orochimaru sa planetang Earth at lahat ng planetang nadadaanan nila ay winawasak nila ito.

Ang kapalaran ba ni Sasuke ay maipapasa sa kanyang anak na si Soul?. O kaya’y ibang pagtatapos mangyayari pag nagsagupaan na ang dalawa?.

Patuloy na lumalaban si Blackstar at ang Tadhana lamang ang nagiisa niyang kakampi..

Saturday, April 10, 2010

Kaharian

Noong unang panahon may isang prinsesa na ubod ng ganda at may isang prinsipe naman na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang dalawa sa kanilang pag-iibigan, ngunit may biglang humadlang sa kanilang pag-iibigan at ito ay ang nag-iisang matandang magician sa kanilang kaharian. Nagbanta ang matanda na kong hindi mapapasakanya ang prinsessa ay papatayin niya lahat ng tao sa kanilang kaharian. Walang nagawa ang hari kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi pumayag ang prinsipe at nakipaglaban ito sa matanda. Nanalo naman ang prinsipe at binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na siya ay may biglang sumaksak sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo na. Biglang nahimatay ang prinsipe at namatay naman ang matanda. Pinahanap ng prinsessa ang prinsipe pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala ng isang babae sa kanilang bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsessa kaya di nila nakita ang prinsipe. Lungkot na lungkot ang prensesa sa pagkawala ng kanyang minamahal na prinsipe. Pagkaraan ng ilang araw ay namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa bahay pala siya ng isang babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na umalis ang prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang mahalin ang prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede magtagal at naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa kanilang kaharian. Nang makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na ikinakasal sa isang binata, pinigilan ng prinsipe ang kasal, pero hindi pumayag ang hari na itigil ang kasal kaya inutusan ng hari ang kanyang mga tauhan napatayin ang prinsipe, nakipaglaban ang prinsipe sa mga kawal ng hari pero masyadong madami ang mga kawal at hindi ito nakaya ng prinsipe at biglang dumating ang isang hukbo ng kawal na galing sa ibang kaharian at tinulungan ang prinsipe. Nakatakas naman ng ligtas ang prinsipe at ang prinsessa, at dinala sila nang mga kawal sa kaharian ng Berbania, ito pala ay pinamumunuan ng babae na nagpagaling sa sugat ng prinsipe,sinubukan lang pala ng babae ang pagmamahal nang prinsipe sa prinsessa at napatunayan niya naman ito. Binigyan ng babae ang magkasintahan ng isang lupa at bahay para doon sila tumira at namuhay sila nang maligaya. Ang magkasintahan ay nanganak ng isang lalaki hindi alam nang lalaki kung ano ang istorya nang kanyang mga magulang at namuhay siya nang tahimik haggang sa ipatawag siya nang reyna nang kanilang tinitirhan na bayan, hindi niya alam na gagawin pala siyang isang magiting na mandirigma ng kanilang kaharian ng magkaroon ng digmaan sa kabilang kaharian na pinanggalingan ng prinsessa noon, ay sumali dito ang lalaki, pinasali siya nang reyna sa susulong na hukbo para sakupin ang kaharian ng Entaryuio (kaharian ng prinsessa noon) naging madugo ang labanan pero sa kasamaang palad hindi sapat ang mga hukbo na ipinasugod ng kaharian ng Berbanya sa kaharian ng Entaryuio at ang lalaki lang at iilang kasamahan ang nakaligtas. Kahit talo na sila ay di parin sila sumuko at nagbantay pa rin sila sa kaharian ng Entaryuio, naglakad-lakad ang lalaki nang makita nito ang napakagandang babae na tumitingin sa langit nang hindi nagiisip niligawan niya ang babae at dahil gwapo rin at mabait ang lalaki pumayag ang babae na hindi alam kong taga saan ang lalaki nagsama ang dalawa ng malaman ng hari ng Entaryuio na may mga spy pala sa kanilang kaharian ay nagpadala siya ng mga kawal para hanapin ito, nalaman naman kaagad ito ng lalaki at pinauwi niya ang iilan sa kanyang mga kasamahan para sabihin sa reyna ang mga nalaman nila at ang iba ay nagpaiwan para lituin ang mga kawal, marami sa kasamahan ng lalaki ang napatay at ang iba ay nakaligtas ang lalaki ay nagpaala muna bago ito umalis pero nakita siya ng mga kawal ng hari at hinuli siya pero naglaban ang lalaki at nakapagtago ito sa dilim pagkakinabukasan ay nagpadala ang reyna nang 10,000 na kawal para sakupin ang kaharian ng hari tumagal ang laban ng iilang araw at maliit nalang ang pag-asa ng hari na manalo dahil masyadong marami ang kawal ng reyna compara sa hari , natalo ang hari . Akala ng hari na sisirain nila ang boung kaharian pero nagkamali siya ibinigay ng reyna ang truno ng hari sa lalaki na, hindi nakapaniwala ang lalaki at ang hari sabay tanong naman nito kung bakit niya ibinigay sa lalaki ang trono sinagot naman ito ng reyna na ang lalaki ay ang anak ng hari na naglayas, laking tuwa ng hari nang malaman ito nabuhay pa pala ang kanyang apo. At nabuhay ang lalaki bilang hari at ang kanyang kasintahan bilang reyna sa kaharian ng Berbanya, at nabuhay sila nang matiwasay at maligaya. Pagkaraan ng ilang taon ay namatay na ang lalaki at pinalitan siya nang anak, may mga kaharian na gustong sakupin ang Berbanya pero di sila nanalo.


Ipapasa ni:
Mark Ryan Namnama

Wednesday, April 7, 2010

Hikaw

sa panunulat ni MARK LEVI MARTIN






Sa bayan ng Kanto, may mga boyscout na nagcamping sa isang misteryosong kagubatan. Sa kagubatan na iyon ay meron daw isang kakaibang nilalang.

Isang gabi si L ay naiihi. Pumunta siya sa isang malaking puno. May sumusunod sa kanya, sinusundan siya ng kapwa boyscout. Si L ay pinagbubugbog ng mga limang boyscout hanggang siya ay namatay. At ng nalaman ng mga boyscout na namantay na ito ay nagtatakbuhan sila. Ngunit may isang nilalang na humila sa bangkay ni L. Dinala niya ito sa isang kuweba. Kinagat niya ang likod ni L, at makalipas ang ilang oras biglang nabuhay si L.

L: Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari sakin?
Echo: Huwag kang matakot. Ako si Echo, isa sa mga diyos at diyosa na gumagabay at tumutulong sa mga nilalang. Ikaw ay pinagbubugbog ng iyong kapwa boyscout hanggang ikaw ay namatay.
L: Salamat! Pero kailangan ko nang umuwi sa amin. Baka hinahanap na ko ng mga magulang ko.

Aalis na sana si L ngunit sumakit ang kanyang katawan.

Echo: Huwag mong pilitin ang iyong sarili. Hindi pa naghihilom ang mga sugat at pasa mo. Kailangan mo munang magpahinga.

Kinaumagahan nagising si L.

L:hindi ko man lang nailigtas ang sarili ko sa mga boyscout na iyon. Kung meron lang sana akong kapangyarihan.

Narinig ni Echo ang sinabi ni L. tinanggal niya ang kanyang kakaibang hikaw. Ibinigay niya ang hikaw kay L.

Echo: Tanggapin mo ang mga hikaw na ito.
L: Para saan ito?
Echo: Ito ang kakaibang hikaw na nanggaling pa sa Olympus. Kapag sinuot mo ito, pwede kang maging isang beast o halimaw. Pwede ka ring maging ibat ibang hayop at hindi ka pa tinatablan ng kahit anong armas.

Si L ay bumalik sa kanilang tahanan ngunit may mga armadong lalaki. Kaagad-agad siyang pumunta sa loob ng bahay at nakita niya ang kanyang mga magulang na nakahandusay sa sahig.

L: Inay!!! Itay!!! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa aking mga magulang.

Pinagpapatay niya ang mga armadong lalaki. Binaril ng isa si L ngunit wala siyang natamong sugat. Makalipas ang ilang taon. Napag-isip-isip ni L na magagamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ipagtanggol ang mga naaapi at nangangailangan ng tulong.
Isang araw habang nagmamasid si L sa tuktuk ng puno, may isang babae na tumatakbo at siya ay gustong gahasain ng mga lalaki. Kaagad na tinulungan ni L ang babae.

L: Bitiwan niyo siya.
Mga lalaki: Bakit sino ka ba? Super hero ka? Hahaha. Hangal ka.

Pinagbubugbog nila si L.

L: Iyan lang ba ang kaya niyo? Ngayon ako naman.

Sinuntok niya ang mga ito at iginapos niya ang mga ito. At saktung-sakto na may nagrorondang pulis.

Tinanong ng mga pulis kung ano ang kanyang pangalan.

L: Ako si L, ang magtatanggol sa mga nangangailangan ng tulong ditto sa Kanto.

Makalipas ang ilang araw, nakita ni L yung babaeng iniligtas niya noon. Gusto niyang lapitan ito ngunit natatakot siya. Pinuntahan kaagad niya si Echo upang magpatulong at tinanong niya na,

L: Paano ba umibig? Pwede bang tulungan mo ako na mapaibig yung babaeng maganda na nakita ko sa parke?

Echo: Hahaha! Iyan lang ba? Meron akong kaibigang diyos na may kakayahang nakakapag paibig. Kupido, halika rito kaibigan. Gusto sanang magpatulong itong kaibigan ko. Matutulungan mo ba siya?

Kupido: Ahaha! Oo naman aking kaibigan. L tara na aking kaibigan. Ituro mo lang saakin kung nasaan siya.

Pumunta sila sa parke at nang nakita na nila ito ay kaagad-agad na itinutok ni Kupido ang kanyang pana at nang malapit na si L sa babae ay binato ni Kupido yung babae. At doon, hindi pa nakalalapit si L sa babae ay biglang niyakap na ng babae si L. tumalab ang kapangyarihan ni Kupido sa babae. Kinilala nila ang isat isa at ang pangalan ng babae ay Dorothea. Nagpapasalamat siya sa tulong ni Kupido at Echo.

Asul na Pakpak

ni: Hazel Joy Corpuz

Ang bayan ng Kagebu ay dating isang maganda’t maunlad na bayan. Ito ang pinakamagandang bayan sa mundo ng Zuproc,kung saan ang kanilang Diyos ay si Asclepius. Ngunit si Asclepius ay pinatay ni Jupiter, ang diyos ng lahat ng mga diyoses dahil sa iang makasalanan na Gawain sa mga diyos, ang pagbuhay niya sa isang patay na babae. Sa pagkamatay ni Asclepius, ang bayan ng Kagebu ang napili na mamuno sa mundo ng Zuproc dahil sa maunlad ang bayan na ito. Ngunit sa paglipas ng panahon, sinalakay sila ng mga taga ibang bayan, ang bayan ng Shinn. Naiinggit ang mga taga Shinn dahil sa pagkakaloklok ng bayan ng Kagebu bilang mamuno sa kanilang mundo. Ito nga ang naging ugat ng hindi mamatay-matay na digmaan sa pagitan ng bayan ng Kagebu at Shinn. Marami mandirigmang Shinn ang magaling sa paggamit ng mahika at bihasa sila sa paggamit ng iba’t ibang kapangyarihan at kagamitan kaya’t sila’y galante na magtatagumpay sila sa pagwasak sa bayan ng Kagebu na syang taglay lamang ay ang mga makalumang kagamitan tulad ng espada. Maraming mandirigma ang palaging sugatan ngunit naagapan naman agad dahil sa tulong ng isang magandang dilag na si Lezah, na nagtataglay ng kakaibang katangian na magpagaling sa anumang sakit at sugat na sya lamang ang nagtataglay. Palagi niyang kasama ang kanyang kababata na si Alvis, isa ding katulad ni Lezah na nagtataglay ng kakaibang “armor shield” na hindi nasisira ng kahit anong tumama dito. Si alvis rin ay ang pinuno ng mga mandirigmang Kagebu. Palagi siyang ginagamot at inaalagaan ni Lezah kasama ang iba pang mga mandirigma. Dahil sa pag-aalagang nakukuha niya kay Lezah, hindi niya mapigilan ang unti-unting pagkahulog ng kanyang kalooban sa kanya, lingid sa kaalaman ng dalaga.
“Lezah binibini, magpahinga ka muna, isipin mo naman ang iyong sarili. “ sabi ni Alvis kay Lezah.
Ngumiti lamang si Lezah sa kanya.
“Huwag kang mag alala Alvis, ayos lamang ako at ginagawa ko lamang ang tama.” paliwanag ni Lezah.
Buong pusong ginagamot ni Lezah ang mga sugatang mandirigma ng Kagebu. Siya ang nagsisilbing doctor sa kanilang bayan. Araw man o gabi, wala syang ginagawa kundi ang pag gagamot hindi lamang sa mga sugatang mandirigma, maging sa mga kababayan niya na may sakit. Marami na syang napagalingin dahil sa hindi maipaliwanag na katangiang taglay niya. Lingid sa kanilang kaalaman ng mga taong kanyang pinapagaling, may kondisyon palang kapalit na kanyang kinakaharap sa bawat taong kanyang napapagaling. Bawat beses na paggamit niya ng kanyang kapangyarihan, nababawasan ang kanyang sariling buhay depende sa kalala ng kanyang pinapagaling. Ngunit ayos lamang iyon sa kanya basta matulungan at mapagaling niya ang mga may dinaramdam niyang mga kababayan. Hindi niya ipinahahalata ang panghihinang kanyang nararamdam, subalit, ang hindi niya alam, napapansin iyon ni Alvis kaya naisipan niyang kausapin si Lezah ng masinsinan.
“Magtapat ka nga sa akin Lezah, may dinaramdam ka ba?”
hindi umimik si Lezah, kayat hinawakan ni Alvis ang mga kamay ng dalaga.
“Pakiusap,Lezah!!”
Nakita ni Lezah ang pagiging seryoso ni Alvis sa kanyang mga mata kayat ipinagtapat nga niya sa kanya ang epekto ng kanyang panggagamot.
“Itigil mo na ang iyong panggagamot Lezah! Pakiusap!” nag aalalang sabi ni Alvis. “Hayaan mo na lamang na ang mga doctor sa bayan ang gumamot sa amin at sa mga tao ditto sa Kagebu”
“Pero Alvis, ito talaga ang nakatakdang tadhana sa akin. Alam mo na ako ang dahilan kung bakit binuhay ni panginoong Asclepius ang aking Ina!! Kailangang gampanan ko ang naiwan ng aking ama bago siya pinatay ni panginoong Jupiter!!”
“Pero bakit kailangang mabawasan pa ang iyong buhay? Bakit ganito? Bakit ngayon mo lamang ipinagtapat sa akin ito sa tagal na nating magkasama?” natatarantang tanong ni Alvis.
Nginitian ni Lezah si Alvis sabay haplos sa mukha ng binata.
“Maraming salamat sa iyong pag aalala Alvis, magiging ayos lamang ako. Alam kong andyan ka at sinusubaybayan lamang ako ng aking ama sa itaas.”
Sila’y nagsumpaan na sila’y magiging maayos hanggang sa maibalik muli sa ayos ang kanilang mundo na nasira dahil sa digmaan. Kinabukasan, nagpadala ng sulat ang mga taga Shinn na nagsasaad na ito na umano ang magsisilbing pinakamatinding laban na mararamdaman ng mga taga Kagebu. Nag aalala ang mga tao sa bayan sa maaring magiging kahihinatnan ng digmaan. Tinipon lahat ni Alvis ang kanyang mga mandirigma.
“Kaya natin ito! Mabuhay ang Kagebu!!” sigaw ng mga mandirigma sa kanilang pagtitipon-tipon.
“Pakibigay na lamang kay Lezah ang sulat na ito mula sa akin.” Sabi ni Alvis sa isa nyang kasamahan na naiwan bago sila lumakad.
Nang dumating na si Lezah para gamutin ang mga bagong sugatan na mga mandirigma ay nakaalis na sina Alvis.
“Naka alis na po sila.” sabi ng isa sa mga tumutulong sa kanya sa pag gagamot.
Bigla nalang nakaramdam ng kaba at takot sa dibdib si Lezah. Hindi nya alam kung bakit.
“Nga po pala, binibining Lezah, nag iwan po si ginoong Alvis ng sulat para sa inyo.” Agad na kinuha ito ni Lezah at binasa nito ang linalaman ng sulat.
“Lezah,oh aking prinsesa na bumihag sa aking puso’t kaluluwa, maaring ito na ang huling sulat ko para sayo. Ito na ang pinakamatinding laban na aking pupuntahan. Hindi ko masisigurado ang maaring mangyari sa laban na ito. Tanging pakiusap ko lamang sayo, alagaan mo ang iyong sarili. Huwag mong pabayaan ang iyong katawan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para panatilihing ligtas ang aking mga kapwa mandirigma gamit ang “armor shield na ginawa pa ni panginoong Hephaestus. Hinding hindi ko hahayaan na mabawasan ang aking mga kasama o kaya’y masugatan ng malala dahil sa alam ko na buhay mo na naman ang isasakripisyo mo. Lezah, hindi ko kayang nakikita kita na nahihirapan dahil, mas matindi pa ang sakit na aking nararamdam sa hirap na iyong dinaranas. Gusto kong makasama pa kita ng matagal ngunit sadyang ganito ang tadhana, may kanya-kanya tayong kailangang gampanan. Mahal kita Lezah. Paalam”
Naiyak si Lezah sa laman ng sulat ni Alvis. Hindi niya mapigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata, ngunit pinunas niya ito at inisip nya ang maraming nangangailangan ng kanyang tulong. Ginamot niya lahat ng mga bagong sugatan at sila’y gumaling. Habang siya’y nang gagamot ay nakaramdam siya ng kunting panghihina.
“Hindi ko maaring ipakita aking kahinaan sa kanila! Marami pang nangangailangan ng aking tulong.” Tuon niya sa kanyang sarili.
Habang siya’y nang gagamot, may ilang mga mandirigma ang iniuuwi nilang sugatan.
“Malalakas talaga sila!!” sabi ng isa.
“Oo, pero pasalamat tayo kay ginoong Alvis dahil ginagawa niya lahat ng kanyang makakaya para hindi tayo tamaan ng kabila” sabi naman ng isa.
Lubos na ang pag aalala ni Lezah kay Alvis. Sa gitna ng labanan, marami nang pinsala ang nangyayari.
“Huwag kayong mag alala mga kasama! Alam kong tayo ang magwawagi!” sigaw ni Alvis na sumasangga sa mga inihahagis ng mga taga Shinn.
Apoy, malalakas na hangin at malalakas na mga mandirigma ang kanilang kinakaharap. Tira lamang ng tira ang mga kalaban ngunit hindi gumagawa ng kilos ang mga taga Kagebu. Sa palaging pagtira ng kalaban, unti-unti silang nanghina, at sa panghihinang yaon ng kalaban kumuha ng bwelo sina Alvis. Itinira nila sa mga kalaban ang maraming mga pana at sumugod sa kinalalagyan ng kalaban. Maraming mga taga Shinn ang natamaan at naubusan ng kapangyarihan hanggang, espada sa espada na ang naging laban. Maraming mga nasugatan ngunit ginagawa ni Alvis ang lahat para mapanatili na walang mababawas sa kaniyang mga mandirigma. Pakatapos ng malaking laban na ito, natalo ang mga taga Shinn. Mraming namatay na mga taga Shinn kaya’t tuluyan na silang sumuko at tinanggap ang katotohanan na hindi nila kailanmang matatalo ang Kagebu.
“Mabuhay ang Kagebu!!” sigaw ng mga mandirigmang Kagebu.
Mabilis na naihatid ang balita sa bayan at nagkakasiyahan na sila. Nang makarating ang balita kay Lezah, agad itong tumakbo papunta sa lugar kung saan naganap ang huling digmaan kasama ang taong bayan. Nakita nila ang mga mandirigma na nagsasaya at ang mga kalaban na nakahimlay sa lupa. Papalapit na si Lezah kung nasaan si Alvis ng biglang may sumigaw.
“Ginoong Alvis!!!!!!!”
Nagulat na lang si Lezah nang makita niya na may nakatusok na espada sa dibdib ni Alvis. Tinusok siya ng isa sa kanilang kalaban bago ito matuluyan. Tumakbo agad si Lezah papunta sa direksyon kung nasaan si Alvis. Inakap niya ito at napaluhod silang dalawa sa lupa. Dahang-dahang tinanggal ni Lezah ang espada na nakatusok kay Alvis.
“Alvis, magpakatatag ka, pagagalingin ko ang iyong sugat!!” sabi ni Lezah habang siya’y umiiyak.
Ngumiti si Alvis at pinigilan si Lezah.
“ Huwag!! Hanggang dito na lamang ako Lezah.” nahihirapang sabi ni Alvis habang dumadaloy ang maraming dugo mula sa kanyang katawan.
“Ngunit Alvis.. paano na ang pangako natin sa isat-isa?” umiiyak na sabi ni Lezah at hinigpitan ang akap kay Alvis.
Tinanggal ni Alvis ang pagkakaakap ni Lezah sa kanya at unti unting hinawakan ang mukha ni Lezah. Hahalikan niya sana siya ngunit hindi na niya kaya.
“Hindi ko na kailan mang mababanggit pa ang iyong pangalan. Paalam, ma..hal… ki…ta.. .Le…za..a..a.h” at nabawian na ng buhay si Alvis.
Lubos ang pag iyak ni Lezah habang akap-akap parin ang duguang katawan ni Alvis.
“Mahal kita Alvis!!”
Awang awa sa kanya ang mga kababayan nila na nag iiyakan na din sa nangyayari. Nagulat nalang sila ng biglang may pumalibot na napakagandang ilaw sa kanilang dalawa. Tumayo siya Lezah habang unti-unti siyang inilulutang ng ilaw na pumapalibot sa kanya. Humarap siya sa mga tao at ngumiti.
“Magiging maayos rin ang lahat,huwag kayong mag-alala. Paalam at salamat!!”
Tumingin siya sa kalangitan at pumikit.
“Hinihiling ko saiyo oh! Aking amang Aclepius, kunin mo ang aking buhay kapalit ng pagbabalik mo sa dating kaayusan sa bayan ng Kagebu at pagalingin lahat ng mga sugatan!!”
Biglang tumubo ang napakagandang pakpak sa kanyang likuran na siyang nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Unti-unting ikinulong si Lezah ang kanyang sarili sa maasul-asul na pakpak nito.Napalibutan ito ng napakaliwanag na ilaw na syang sumilaw sa mga tao Nang imulat nila ang kanilang mga mata, nsghuhulugan ang mga asul na balahibo mula sa pakpak ni Lezah na bigla nalang nawala. Tinignan nila ang paligid at ang lahat ay bumalik na sa dati nitong kaayusan at ang mga sugatan ay gumaling. Maraming humanga sa magkasintahan at kanilang pinaniwalaan na ang dalawa’y nasa magandang lugar na at nagsasama nang masaya at ginagabayan ang bayan ng Kagebu.

*****WAKAS*****

Ang Mayamang Tao ni Dennis Austria

Sa isang syudad may isang lalaking nagngangalang Pablo.Walang siyang anak,asawa o kamag-anak.Nag-iisa lng siya sa mundo.Siya ay isang mayamang lalaki.Ngunit siya ay may sakit sa puso at wala ng lunas ito.Gusto niyang ipamana ang lahat ng kanyang kayaman pero wala siyang pwedeng pagpamanahan.Kaya naisip niya na maging isang pulubi ang pumunta sa iba't ibang bahay para malaman kung sino ang karapat-dapat na magmana ng lahat ng kanyang ari-arian.Sa kanyang paglalakad nakakita siya ng isang babae at sinubukan niyang humingi ng pagkain para masukat kung siya na ang hinahanap niya.Pero sa halip na siya ay bigyan tinulak pa siya ng babae.Kaya si Pablo ay umalis at pumunta sa ibang barangay.Doon nakakita siya ng isang lalake na kumakain ng tinapay.Siya ay muling pinagtabuyan at tinulak.Siya ay umupo sa isang gilid at may nakakita sa kanya,isang binatang lalaki na naghahanap ng trabaho."Tatang mukhang gutom na gutom na kayo",sabi ng binata."Eto po o pagkain",alok ng binata."Maraming salamat iho napakabuti mo.Gusto mo bang pumunta sa bahay ko?,tanung ni mang Pablo.Ang binata ay nagtaka sa sinabi ni mang Pablo pero siya ay sinamahan niya at ngaulat siya ng tumapat na sila sa isang malaking bahay."Tatang sigurado po ba kayong ito ang bahay nyo?,tanung ng binata na nagtataka."Oo naman,halika at pumasok tayo",sagot ni mang Pablo.Sila ay pumasok ang sila ay binati ng mga kasambaahy ni mang Pablo.Kaumagahan ikinuwento ni mang Pablo ang lahat."Dahil sa iyong mabuting kalooban ikaw ang magmamana lahat ng aking ari-arian",sabi ni mang Pablo.Takang taka na masaya ang binata.Pagkalipas ang ilang buwan namatay na si mang Pablo at naging mayaman na ang binata.


Aral:Maging matulungin at mabait sa kapwa dahil meron itong kapalit na kabutihan na matatanggap mula sa panginoon.

Ang Taong Apoy ni Dennis Austria

Isang araw naisip ni Apollo na bumaba sa lupa upang maka paglibang.Siya ay ngakatawang tao tska bumaba sa lupa.Si Apollo ay diyos ng araw.Sa kanyang pamamasyal nakilala niya ang isang magandang babaeng mortal.Agad na nahulog ang loob ni Apollo sa babae.Lumapit si Apollo at nagpakilala pero hindi alam ng babae na diyos pala si Apollo.Pero nahulog din ang loob ng babae kay Apollo.Sila ay nagmamahalan at ang pagmamahalang ito ay nagbunga ng isang sanggol na lalake at siya si Pedro.Pero ng isilang si Pedro biglang nawala si Apollo.Kaya lumaki si Pedro na walang ama.Lumipas ang maraming taon,binata na si Pedro.Isang araw pumunta sa kagubatan si Pedro upang mangaso kasama niya ang kanyang kababata na si Turko.Sa kanilang pangangaso,bigla inatake ng tigre si Pedro at nung iniharang niya ang kanyang kamay bigla itong umapoy.Gulat na gulat si Pedro pero hindi ito nakita ni Turko kaya inilihim na lang niya ang kababalaghang nangyari sa kanya.Sa kanyang pangangahoy,nauulit na naman ito.Nasunog ang kahoy na kanyang hinahawakan.Hindi niya alam sinusubaybayan pala siya ng kanyang ama na si Apollo.Kaya bumaba si Apollo sa kinaroroonan ni Pedro.Nagpakila si Apollo kay Pedro."Pedro,ako si Apollo diyos ng Araw at ako ang iyong ama",sabi ni Apollo.Gulat na gulat si Pedro sa kanyang narinig.Hindi siya makapaniwala na ang kanyang ama ay isang diyos.Muling nagsalita si Apollo."Tuturuan kita kung pano gamitin ang iyong kapangyarihan",sabi ni Apollo.Itinuro ni Apollo ang lahat ng pwedeng gawin ng kanyang kapangyarihan katulad ng gumawa ng mga sandata na gwa sa apoy at gawing panangga ang apoy.Nang nalaman na niya ang lahat ng dapat niyang nalaman sa kanyang kapangyarihan,umuwi na siya sa kanyang ina na parang walang nagyari.Si Pedro ay pumunta sa bayan,doon may nakita siya kaguluhan.Nagbabarilan ang mga pulis ang ang mga armadong kalalakihan.Siya ay pumunta sa isang iskinita upang magkatawang apoy.Nagliyab ang ang kanyang buong katawan at lumipad sa kinaroroonan ng mga nagbabarilan.Nagulat ang mga tao sa kanilang nakita isang taong apoy."Sumuko na kayo kung ayaw nyo masaktan",sabi ni Pedro."Sino ka ba?",tanung ng isang armadong lalaki."Ako si Drago ang taong apoy",sagot ni Pedro.Agad niya pinaputukan ng mga armadong lalaki.Gumawa naman ng pananggang apoy si Pedro na ngayon ay Drago na.Hindi siya tinamaan ng mga bala.Sinugod niya ang mga lalaki ang binugbog pagkatapos nun may sinabi siya sa mga pulis."Kayo na ang bahala sa kanila",sabi ni Drago.Nagpasalamat ang mga pulis at lumipad na papalayo si Drago.Tuwing may krimen na nagaganap laging dumarating si Drago upang tumulong sa mga nangangailangan.Dahil siya ang tagapagligtas ng mga naapi.

TAYOG :Ni Jurelie Nikki V. Aguino

Sa kasagsagan ng ginhawa at saya, namumukadkad ang Debrosia sa masaganang pamumuhay. Bagaman ito ang pinakamaliit na nayon sa isla ng Handan, hindi ito nagpapahuli sa salik ng kapayapaan at pag-unlad. Sa nagdaang panahon ng karimlan, ito’y pilit bumangon sa dagok ng buhay.Ito’y dahil sa tulong ng iba’t ibang Diyos at Diyosa na nagagalak sa pinapakitang paniniwala ng mga tao sa kanila.
Ang mga dakilang bundok na pumapalibot dito’y nagsilbing pinakamalakas nilang tagapaglitas, pati ang ilog Katlantis na bumubuhay sa agrikulturang pamumuhay ng mga tao. Lahat ng ito’y gantimpala ni Demeter, Diyos ng Agrikultura, sa kanilang masidhing pagsisikap.
Ang nayon ay napaka-ayos, nasa mismong sentro nito ang munti nilang palasyo. Sa kanluran nito’y ang pook pagawaan, sa silangan ay ang pamilihan ng nayon at sa tabi nito’y ang malaking dambana kung nagaganap lahat ng pagdiriwang at pagtitipon. Sa likuran ng palasyo ay nandoon ang pook sambahan ng maharlika’t ng publiko sa iba’t ibang Diyos at Diyosa na naniniwala sa kanilang kakayahan.
Nagiging inspirasyon ng mga tao ang mabuting pamamalakad ng kanilang butihing haring si Panteleon at Reyna Hadjana. Lahat ay kuntento at walang angal sa lubos-lubos na kagandahang loob na pinapakita nila sa lahat ng mamamayan, anuman ang katayuan sa buhay.
“Mga butihing mamamayan ng Debrosia, magkakaroon tayo ng kasiyahan mamayang gabi!Ako ay humingi ng sampung barel ng alak kay Dionysius, ang Diyos ng Alak, bilang kontribusyon niya sa pagiging produktibo ng ating nayon!”, sigaw ng hari sa mga manggagawa na abalang-abala sa pook pagawaan ng nayon.
Lahat ng nakarinig ay nagalak at nagsigawan sa isa na namang butil ng kabutihan ng hari.
Kinagabihan ay mapayapang naganap ang kasiyahan sa malaking dambana. Napapalamutian ang dambana ng makukulay na bulaklak, makikitaan ng saya ang bawat mukha. Sa malaking pintuan ng dambana ay bumungad ang hari’t reyna kasama ang kanilang dalawang anak. Ang babaing lubos na hinahangaan dahil sa kakaibang taglay na kariktan ay si Grandiosa. Siya ay bunso ng mag-asawa, napakaganda nito na dahilan kung bakit marami nang lalaki ang napadpad sa kanilang lugar upang silayan ang kanyang natatanging ganda. Siya din ang dahilan kung bakit kilalang-kilala ang hari’t reyna. Ang isa naman ay si Keidia, hindi siya kasing ganda ni Grandiosa ngunit siya ay may karunungang walang makakatalo.
Lahat ay maganda sa hari’t reyna, ang tanging hindi katanggap-tanggap sa kanila ay mas gusto nila ang kanilang bunsong anak, si Grandiosa, kaysa kay Keidia. Ito ang tanging kinalulungkot ni Keidia. Lahat ay binibigay nila kay Grandiosa, anumang luho ang hingin nito. Ngunit kung si Keidia ang magmungkahi ay may limitasyon, Gayunpaman, nanatiling mabuti si Keida sa ama’t ina.
Isang araw, habang maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan dulot ng kooperasyon ni Phoebus, Diyos ng liwanag, at ni Hera, ang Diyosa ng langit, ay nagmuni-muni si Keidia sa malawak nilang hardin. Napagisip-isip nito na lumayo upang mas palawakin pa ang kanyang talino upang pantayan ang natatanging ganda ng kaniyang kapatid. Kinagabihan ay humayo na si Keidia, habang ang lahat ay tulog at tanging nag mga guwardiya lang ang gising. Kanyang sinabi sa guwardiya na kunin ang susi ng silid aklatan dahil nais niyang magbasa. Agad naman itong sinunod ng guwardiya, nang makaalis ang guwardiya sa lagusan ay bilis itong pumuslit palabas at pumunta sa kanyang kabayo. Mabilis na pinatakboni Keidia ang kabayo at baka bumalik na ang guwardiya at masaksihan ang kanyang pagtakas.
Malayo na ang narating niya at wala siyang kaalam-alam kung nasaan na siya. Siya ay nasa gitna ng gubat Masadetse, ang nakakatakot na kanlungan ng mababangis na hayop. Sumigaw si Keidia, nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Nakaramdam siya ng takot nang walang sumasagot sa kanya. Biglang may nagpakita sa kanyang harapan na lubos niyang kinagulat at huminga ng malalim ng kanya itong namukhaan.
“Artemis, Diyisa ng buwan at pangangaso, ako ay nagagalak na ako’y inyong narinig!” bigkas ni Keidia ng may pagalang.
“Oh, Keidia! Ano ang iyong sadya sa gubat na ito sa kalagitnaan ng gabi?” malahimig niyang sagot.
“Ako ay naligaw, nais ko sanang magpakalayo at palawakin ang aking karunungan dahil sa palagay ko ay mayroong isang bagay akong hindi nalalaman!”
“Halika’t may nayon na malapit dito. Marahil nandun ang hinahanap mo, Prinsesa!”
Sa taglay na lakas at bilis ni Artemis ay wala pang isang iglap ay narating na nila ang nayon ng Ferusia.
Mabilis na tumakbo ang oras at muling sumikat ang liwanag ng buhay. Maagang bumangon si Keidia, natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang malaking palasyo. Sa paglabas niya sa kuwartong tinulugan ay may lalaking makisig at matipuno ang pangangatawan ang ngumiti sa kanya.
“Magandang umaga, Prinsesa! Ika’y naa aming bahay, dinala ka ni Artemis dito ang aming dakilang tagapagligtas sa mga mababangis na hayop na sumasalakay.” Agad na pabungad ng lalaki.
“Maraming salamat, maari ko bang malaman kung sino ka?” naninibagong tono ni Keidia.
“Ako ang anak ni Zeus at Atheana. Ako si Vorenus, ang iyong tagahanga!” mahalumanay na pagpapakilala ng ginoo.
“Maraming salamat sa kabutihan niyo, at ako ay babalik na sa aking kaharian dahil nagaalala na ang aking ama’t ina,” sambit ni Keidia kahit alam niyang ayaw pa niyang umalis dahil sa pag-aakalang natagpuan na niya ang nais niyang malaman. Tumibok ang kanyanng puso at nagalak ng tunay sa nararamdaman.
“ Nais ko sanang humingi ng pabor sa iyo binibini?” ngiti ni Vorenus.
Hiningi nito na lumabas sila kahit maghapon lamang upang sila ay mas lubos pang magkakilala. Pumayag naman si Kiedia sa hinihingi ng ginoo. Masaya ang maghapon ng dalawa puno ng tawa at kilig ang kanilang mga puso.
Ipinagtapat ni Vorenus ang totoong nararamdaman kay Keidia, dahil sa labis din ang nararamdaman ng prinsesa ay pumayag naman ito na maging kasintahan niya.
Bago lumubog ang araw ay nagtungo si Vorenus sa kanyang ama habang abala sa pagpitas ng bulaklak si Keidia.
“Dakilang Zeus, aking ama, ang Diyos ng langit, ako ay nahumaling kay Keidia ang anak ni Haring Panteleon at Reyna Hadjana. Nais ko po sana bago siya lumisan ay mabigagyan ko siya ng kapangyarihang lumipad bilang tanda ng aking pagmamahal!” yuko ni Vorenus sa ama.
“Kung iyan nag nais ng aking butihing anak, ika’y aking pagbibigyan. Ibigay mo ang kwintas na ito sa kanya. Habang suot niya ang kwintas na ito at binigkas nag lipad siya ay lilipad ayon sa kanyang kagustuhang tayog!” sambit ni Zeus sapagkat ngayon niya lang nakita ang anak na ganun kasiya.
Abot langit ang saya niya na umalis sa palasyo ng ama. Bilis itong nagtungo sa kinalalagyan ni Keidia.
“Keidia, aking mahal, hawak ko ang kwintas ng katayugan! Kapag isinout mo ito at binigkas mo ang lipad, ika’y makakalipad aking sinta. Ito ang simbolo ng aking pagmamahal sa iyo!”
Natuwa si Keidia dito kaya’t inimbitahan niya ito sa kanilang kaharian. Mabilis nilang narating ang kanilang nayon dahil sa bagong kapangyarihan ni Keidia. Ngunit nabigla si Keidia ng madatnan niyang binabaha ang kanilang nayon. Puno ng sigawan at iyak ang paligid. Noong siya ay nasa malayo ay naging malabis ang mga tao kung kaya’t nagalit ang mga Diyos sa kanila. Umapaw ang ilog Katlantis, nagmistulang lawa ang paligid, marami ang namatay. Iniwan ni Keidia ang kasintahan sa toktuk ng bundok. At bumalik upang hanapin ang kanyang pamilya. Habang nasa himpapawid si Keida ay parang nadudurog ang kanyang pagkatao sa nakikita, agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang. May sumigaw sa kanya at alam niyang boses iyon ng kanyang ama.
“Keidia, tulungan mo kami aking anak!” hinagpis ng hari.
Bilis na kinuha ni Keidia ang kanyang pamilya na inaanud na ng tubig at nilagay ito sa kinalalagyan din ng kasintahan.
“Mahal na ama’t ina ito po si Vorenus ang aking kasintahan ang anak ni Zeus na nagbigay sakin ng kakayahang lumipad!” pagpapakilala nito.
“Ako’y nagagalak ika’y nagbalik, simula noong ika’y nawala sinisi kami ng mga tao at sila’y nagpakatiwakal na kinagalit naman ng mga Diyos. Vorenus, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanya!” hagkan ng hari kay Keidia.
“Oh!Aking Keidia! Saan ka nagtungo? Kami’y iyong pagpaumanhinan sa nagawa naming kasalanan sa iyo,” nag-aalala paring sambit ng kanyang ina.
“Aking kapatid, patawad! Ako’y lubos na nagagalak sa iyong natagpuan!” ngiti ni Grandiosa kay Keidia at Veronus.
Sa pamamagitan ng kagandahang loob at pagkakaisa, walang imposible kinabukasan!
“LIPAD!”

Tuesday, April 6, 2010

Hardin ni Sereena

ni Kayla Janica G. Ruiz

Alapaap ang siyang natatanging nating nakakapitan kapag tayo ay nag-aasam na makamtan ang ating mga hangarin sa buhay hangang sa tayo’y mauntod sa mga pasakit ng katotohanan. Mabuti’t may kasarinlan kung kaya’t tayo ay napapaligaya ng ating saliring pananaw.
Kung mahika ang pagbabasehan marami na sanang nabagong buhay, may napaginhawa at may nailigtas sa kasamaan. Ngunit kapag ang kapalaran na ang nagbiro siguradong di na tayo makakaiwas sa panibagong serye na tatamasan ng ating buhay. Kailangan ng mabisang sandata sa pagtuklas ng ating lihim na pagkatao.
Di matigil ang pagtakbo ng isang dalaga, bakas sa mukha ang galak sa pagpitas ng mga napakahalimuyak na bulalak na kanyang tanim. Pinagmamasda mo pa lang si Sereena, kariktan ang tiyak mangingibabaw. Bukod sa maamo niyang mukha ay taglay niya ang busilak na kalooban. Namumukod tangi siya sa bayan ng Ereo. Nakagisnan niyang alagaan ang kalikasan dahil sa turo ito ng kanyang ina. Ang kangyang inang nabigyang kaalaman ng pagmamahal sa nga namumukadkad sa kagandahang mga rosas. Dito sa munting hardin niya ibinihos ang kanyang mga oras, tulad ng mga sandaling siya ay nakakamit ng mga pasakit. Sa liblib na lugar matatagpuan ang kanyang hardin ang bunga ng kanyang emosyon.
Gabi na nang matapos ang trabaho ni Rufus sa barangay, kilala siya bilang kagalang-galang na kapitan. Ang kanilang pamilya ay tinuturing na mabuting ehemplo ng mga taong bayan.
Sa di inaasahan, isang lingo ay napapadalas ang pagdalaw niya sa hardin. Sunod-sunod ito dahil sa nais niyang maibsan ang kalungkutang kanyang tinatamasan. Nais niyang takasan ang mga sabi-sabi sa kanila. “Malanding babae” kung ituring ng mga kapitbahay. Taasan ng kilay ang kanyang mga kamag-aral sa tuwing daraan siya sa mga pasilyo.
Hindi man totoo, ginusto parin niyang isiwalat ang katotohanang hindi siya nagdadalang tao na bukambibig sa kanila. “Inay, itay nararapat lamang po na sa akin mangaling ito” ang wika ni Sereena. “Sigurado po akong hindi ako butis. Nais nila akong siraan dahil inaasam kong ako ang mangunguna sa aming klase ngayong taong ako’y magtatapos. Kailan man hindi po ako gagawa ng ikasisiran ng inyong pangalan.”
Ni minsa’y hindi sumagi sa isipan ng mag-asawang Rufus at Yara na totoo ang mga balita. Subalit hindi naging madaling maunawaan nina Mindy at Blaire, pinakamatalik na kaibigan ni Sereena. Pag-iwas ang natanggap niya sa kanila dahil sa kahihiyang kanilang aabutin. Ang buhay nga nama’y di sukat akalaing ang mga taong malapit ang siyang unang tatalikod. Sa isang tabi, naroon si Penn punong patnugot sa kanilang paaralan, tanging estudyanteng buo ang paniniwala sa kanya, di lamang ng ito pansin ni Sereena.
Panay ang pagbuhos ng luha si Sereena sa kanyang hardin. Umupo siya sa ilalim ng matibay na puno, bawat pagtulo ng kanyang luha ay sinabayan ng unti-unting paglakas ng hangin na siyang ikinagulat niya. Ang kanyang mga luha ay pinahid ng napalakas na hangin. Tanging pagkagulat ang makikita sa dalaga na lalong tumindi nang nagdilim ang kalangitan at nagbagsak ng ulan. Biglang naglaho ang kanyang mga kamay at sinundan ng kanyang mga paa hangang sa buong katawan na ang tuluyang naglaho. Sa mga sandaling iyon ay nais ng kalikasang ipaabot sa kanya ang kapalit ng kabutihang ipinamalas niya sa kanila.
Nang tumigil ang ulan muling nagbalik sa kanyang tunay na katauhan ang dalaga. Bawat hakbang niya ay may kaakibat na pangamba, hiwaga ang siyang naging laman ng kanyang isipan. Sa daang pauwi, may nakita siyang isang punong nakakatawag pansin, marahil sa liwanag nitong taglay. Nakaukit sa puno ang mga katagang, “Sa aking kamay ang kaligtasan ng lahat”. Binigkas ni Sereena ang mga katagang iyon na sinabayan ng matinding pagkulog at kidlat.
Bukod sa eskandalong kanyang kinasasangkutan, usap-usapan rin ang talamak na bentahang ng ipinagbabawal na gamot. Sa pagsisiyasat ng mga pulis napag-alamang ang sindikato ay nakatago sa kanilang barangay ngunit hindi parin matukoy kung sino ito.
Sa mga nagdaang araw, naramdaman ni Sereena na naging matalas ang kanyang pandinig. Ipinag sa walang bahala niya ang pangyayari sa hardin sa halip ay pinagtuunang pansin ang pagpasok niya muli sa kanilang paaralan na may matibay na kalooban. Lalo siyang naging malapit sa ama’t ina upang iwasang mapadpad sa hadrin. Mag-isa siyang umuuwi sa kanilang bahay nagmula noon. Tanggap na niyang wala na siyang kaibingang babalikan pa ngunit lihis sa kanyang kaalaman ay may isang lalaking umaapaw ang paghanga sa kanya, si Penn na palaging sumusunod sa galaw niya.
Biglang nakadama ng masama si Sereena, dinig niya ang mga boses ng grupo ng kalalakihan na di masilayan sa paligid. Dumolog sa kanyang isip ang isang senaryo na sa isang lumang bodega ang tagpuan. Hinanap niya ito gamit ang sariling konsentrasyong makakita ng mga pangyayaring may kinalaman sa kanyang hinaing. Natagpuan niya ang lugar na iyon na sa di malayuan ay nakabuntot parin si Penn. Narating ni Sereena ang lumang bodega at nasilayan ang mga kalalakihang nag-iinuman at nagrerepake ng droga. “Ito na marahil ang si nasabi ng mga pulis na nagbebenta ng droga,”ang pagtataka ng dalaga. Sa pintuaang kanyang sinasandalan ay biglang bumigay dahil sa karukupan. Narinig ito ng mga kalalakihan at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Unti-unting lumapit ang isang lalaki kay Sereena na napakasama ng titig, nanginginig ang dalaga dala ng matinding takot at nerbiyos. Subalit binalot siya ng pagtataka nang iwasan siya ng lalaki. Doon niya napag-alaman naglaho na naman ang kanyang buong katawan. Kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon inisa-isa ni Sereena ang pangugulpi sa mga kalalakihan at nagbitiw ng pambihirang lakas sa bawat suntok na maging siya ay di makapaniwala sa kanyang nagagawa. Takang-taka si Penn sa isa-isang paghihimlay ng mga lalaki. Pinagpatuloy niyang hanapin si Sereena upang itoy iligtas ngunit nabigo siya sa paghahanap. Sa ikalawang palapag ng bodega may lalaking napakahimbing ng nakatulog, kinuha ni Sereena ang bote ng alak at hinampas sa ulo ng ginoo.
“Ah-h!,” hiyaw ng dalaga. Narating ni Penn ang kinaroroonan ni Sereena dahil sa kanyang tili. Ang ama ni Sereena ang lalaking nakasuot ng takip sa mukha. Ilinabas ni Penn ang kanyang kamera at pinagkukunan ng letrato ang tagpong iyon habang unti-unting nagpalit ng kaanyuan si Sereena, “Ikaw nga! Tunay kang dakila, ikaw ang dahilan kung bakit nasugpo ang krimeng ito, Sereena,” pagkagalak ni Penn.
Tumakbo ang dalaga sa kaguluhan ng kanyang isip, galit, pighati at pagsisisi ang namuhay sa kaiboturan ng kanyang puso. Isang umangang puno ng pag-asa sa bawat residente ng Ereo maliban na lamang kay Sereena na ayaw nang imulat pa ang mga mata. Matunog ang pangalang “IviSereena”, sa diyaryo lantad ang lawarawan ni Sereenang pagpalit ng anyo, pinaheadline ang balita tungol sa pagresolba niya ng droga nakinasangkutan ni kapitan Rufus. Sa itinuturing nilang panibagong tagapagligtas ngayon ay kampante na ang bawat-isa sa kanila na mamuhay ng malayo sa kapahamakan.
Haplos ang nadama ni Sereena, nasilayan niya sa pagkagising ang inang napaluha at mahigpit na niyakap. “Alam ko kung gaano kahirap iyon anak, hindi mo sinasadya ang mga pangyayari,” ang malambing na kalinga ni Yara. Pinahid ang luha ng anak ay siyang nagpalit anyo, ang diyosa ng kalikasan si Demeter.
“Ikaw ang aking ina? Ngunit papaano, paano iyon nangyari?,” pagkalito ng dalaga. Si Yara at Demeter ay iisa. Ang pagpapaliwanag ni Demeter, “O aking anak, nararapat lamang na sa iyo ko ibabahagi ang aking kapangyarihan sapagkat simula’t sa pa’y alam kong isa kang tagapagligtas at babaeng mabuti ang saloobin. Ang iyong ama ay isa lamang instrumento ng hiwaga kaya’t bumangon ka, hinihintay ka ng mga tao sa lipunan.”
Isang diyosa ang nag-iwan sa ank upang pagsibihan ang sanlibutan at doo’y nagpatuloy ang misyon ni Sereena sa mondo ng mga mortal.

Thursday, March 25, 2010

Si Minda ni: Princess Regine Andress

May isang pamilya na nakatira sa bayan ng Santa Barbara na ibang- iba sa mga taong nakatira roon. Sila ang natatanging pamilya na may mabuting puso, mabait at mapagkumbaba. Ngunit meron silang kahinaan na dahilan kung bakit sila gustong- gusto ng mga tao na apihin at lukuhin sila at ito ay ang madaling magtiwala sa ibang tao. Kaya hindi na nila alam kung sino ang tunay nilang kalaban.
Pamilyang Antonio, kilalang-kilala sila sa kanilang bayan. Sila’y namumuhay ng simple lang at may takot sa Diyos.
Isang araw, naglalakad pauwi si Minda ang kaisa- isang anak ni Ginoong Celso at Ginang Linda Antonio galing sa kanyang paaralan nang nakasabay niya ang isang magandang babae at may sumusunod sa kanyang kahina- hinalang lalake. Hindi niya agad namalayan tinakbo na pala ng lalake ang bag ng babae.
Sa nasaksihan ni Minda, siya’y nanghina at nalungkot dahil alam niyang marami pa ring nabubuhay na masasamang damo sa mundo kagaya ng lalakeng iyon. Siya’y nakokonsensya na sana alam na lang niya ang nangyari upang mabigyan niya ng signal ang babae. Para hindi sana nawala ang bag nito.
Nang nakarating na sa bahay si Minda hindi pa rin matanggal sa kanyang isipan ang nangyari. Kaya bago siya natulog ay nanalangin muna siya na sana mawala na ang mga krimen at mabawasan na rin ang katiwaliang nangyayari. Pagkatapos ang kanyang maimtim na pananalangin biglang may lumiwanag sa kanyang harapan. Unti- unting nawala ang liwanag at nagpakita ang isang babae.
Nagulat si Minda at hindi siya makapagsalita sa kanyang nakita ngunit nagpakilala ang magandang babae bilang isang Dyosa. Athena ang dyosa ng karunungan at kaalaman. Tinanong ni Minda kung bakit nagpakita si Athena sa kanya. Sinagot naman ni Athena na napakinggan niya lahat ng kanyang panalangin at naparito siya upang bigyan ng isang kapangyarihan, kapangyarihan na tutulong sa kanya sa pagresolba tungkol sa kanyang ipinalangin. At ang kapangyarihan na iyon ay ang makapagbasa ng isipan ng tao.
Magagamit niya ang kanyang taglay na kapangyarihan sa mabuti at tama. Makatutulong ito upang makilatis niya agad ang mga taong nakakasalamuha niya dahil alam niya ang laman ng isipan ng mga ito. Agad niyang malalaman ang masasamang damo at mabubuting damo. Malaking tulong din ito sa kanilang kahinaan.
Si Minda ay isang matalinong bata. Isang araw, sa kanilang paaralan habang siya ay nagrereview para sa kanilang pagsusulit may grupong babae ang lumapit sa kanya. Nakipagkaibigan ang mga ito sa kanya. Sila’y nakipagkwentuhan at binigyan pa siya ng meryenda. Napaisip si Minda kung bakit ganun na lamang ang kabaitang pinapakita ng mga iyon sa kanya. Naalala niyang meron pala siyang kapangyarihan at ginamit niya ito. Sinubukan niyang alamin ang nilalaman ng isipan ng isa sa kanila at natuklasan niya na gusto pala nilang kopyahin ang sagot ni Minda sa pagsusulit at pakiusapang huwag niya itong isumbong.
Napangiti si Minda at nakisakay na lang siya sa mga babae at walang kamalay- mala ang mga ito na alam na niya ang kanilang balak. Kaya ang ginawa ni Minda ay isinumbong niya ang mga ito sa kanilang guro at hulihin sila sa akto. Sa araw ng pagsusulit, nahuli nga ang mga babae at napagalitan at napagsabihan. Nagmula noon nagbago na ang mga ito.
Masayang- masaya si Minda sa kanyang nagawa. Habang tumatagal mas lalo niyang minamahal ang kanyang kapangyarihan at mas nagagamit pa niya ito sa mas maraming sitwasyon.
Isang araw habang nakatulala si Minda at mukhang malalim ang kanyang iniisip ay muling nagpakita si Athena sa kanya. Nagulat siya kung bakit biglang nagpakita ulit ang dyosa sa kanya at inakala niya na babawiin na ang kapangyarihang taglay niya. Lumapit si Athena sa kanya at biglang ngumiti. Masaya niyang ibinalita kay Minda ang mga sinabi ng kanyang kapwa dyos at dyosa.
Maligaya sila sa ipinapakita niya sa kanyang tamang paggamit ng kanyang kapangyarihan. At dahil sa kanya marami siyang naililigtas na kanyang kapwa tao. At mas lumiliit ang bilang ng krimen na nangyayari. At masayang sinabi ni Athena na karapat dapat siya na nagmamay ari ng kapangyarihang iyon.
Dahil doon mas lalong naganahan si Minda na tumulong sa kanyang kapwa tao. At nagiging masaya sa tuwing nakatutulong siya at maganda ang resulta nito.

Tuesday, March 23, 2010

Ang Kwintas

sa panulat ni Gracian Faith Gumallaoi


“Pakawalan niyo ako dito. Maawa naman kayo sa akin,” nagmamakaawang sabi ni Rhea.
“Dito ka lang mahal kung asawa. Dito ka lang. Hahaha,” sumbat naman ni Cronus.
“Gusto ko nang makita ang anak natin Cronus. Matagal ko nang hindi nakita,” sabi ni Rhea.
Walang nagawa si Rhea.Nakakulong siya sa kaharian ni Cronus. Maraming gwardiya ang nagbabantay sa kanya. Mahal na mahal ni Cronus si Rhea kaya naman ikinulong ang asawa dahil alam niya na hindi siya ang mahal ni Rhea. Natatakot siya dito na may ibang mamahalin ang kanyang asawa. Wala naman ang kanilang anak sa kanilang tabi dahil kinakatakutan ni Cronus na maaaring mapatay siya, dahil ang kanilang anak lamang ang pwedeng pumatay kay Cronus. Nahihirapan na si Rhea sa kanyang kalagayan. Ang kanilang anak lamang ang nasa isipan niya araw man o gabi.
Si Cronus ay diyos ng agrikultura. Siya ang nag-aalaga ng mga pananim dito sa mundo. Mahilig siya sa mga halaman. Gustong gusto niyang binabantayan ang mga ito. Kapag marami siyang ani pumupunta sa mga tao para ipamigay ang mga sobra.
Isang araw masayang masaya si Cronus dahil marami ang kanyang ani. Ngayong araw din nakatakda ang kanyang pamimigay ng mga sobrang ani sa mga tao.
“Mga gwardiya bantayan niyong mabuti si Rhea at ang kwintas na ito. Huwag niyo siyang papakawalan at wawalahin ito. Napakaimportante ang kwintas na ito. Ito kasi ang magbubukas ng aking kaharian at marami pang iba ang magagawa nito,”bilin ni Cronus sa kanyang mga tauhan.
“Babantayan namin ng mabuti iyan haring Cronus,” sagot ng mga gwardiya.
Narinig ni Rhea ang usapan nila. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na tumakas.
“Ito na ang pagkakataon para tumakas. Wala ngayon si Cronus,”bulong sa kanyang sarili.
Nahirapan siya sa kanyang pagtakas dahil talaga namang marami ang nagbabantay sa kanya. Nang nakatulog na ang mga gwardiya sinamantala niya ang oras na ito. Ang una niyang kinuha ay ang kwintas para siya ay makalabas sa kaharian. Nang makuha na niya ito nabuksan ang pinto at nakalabas nga si Rhea. Napunta siya sa isang lupain ng mga tao. Hindi niya ngayon alam kung saan niya hahanapin ang anak. Kaya hiniling niya sa kwintas na itungo siya sa kinaruruunan ng kanyang anak.
“Tao po may tao ba dito?,” kumakatok na sabi ni Rhea.
“Sandali lang po. Ayan na ako,” binuksan ni Hestia ang pinto.
Nakilala naman ni Rhea agad ang kanyang anak. Niyakap agad ni Rhea si Hestia ng mahigpit. Nagtaka naman si Hestia kung bakit ganun ang ginawa ng ale.
“Siya ang iyong ina Hestia. Salamat sa Diyos at nandito ka na aking mahal na anak,”nagagalak na sabi ni lola Sofia.
“Anak ako ang iyong ina,” sabi ni Rhea kay Hestia.
Nabigla naman si Hestia sa kanyang narinig.
Si Hestia ay isang mabait at matulungin. Siya ay nakatira sa bahay ng kanyang lola at halos dito na siya lumaki. Bagamat siyaý nabigla sa pagdating ng ina, makikita parin sa kanyang mga mata na nagagalak sa pagdating ng kanyang ina. Masayang masaya naman na tinanggap niya ang kanyang ina.
“Inay tuloy po kayo. Kayo munaý magpahinga mukhang pagod na pagod po kayo”.
“Salamat anak”.
Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ni Hestia, maraming katanungan ang bumabalot sa kanyang isipan. Hindi siya nakatiis at nagtanung nga si Hestia.
“Inay, bakit po kayo nawala ng matagal sa tabi ko,” tanong ni Hestia.
“Anak, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa. Hindi ko naman ito ginusto anak. Maiintindihan mo naman ito sa tamang oras. Ngayon baka hinahanap na ako ng iyong itay,” paliwanag ni Rhea.
“Ang itay? Nasaan siya?,”tanong na naman ni Hestia.
“Oo, ang itay mo. Pero siya ang dahilan kung bakit tayoý nagkalayo anak. Ikinulong niya ako sa kanyang kaharian”.
“Teka lang inay hindi kita maintindihan. Pero bakit niya naman ginawa ito?”
“Maraming dahilan anak. Kaya maaaring hinahanap na niya ako ngayon at baka papatayin niya ako dahil sa aking pagtakas. Hanggang maaga pa kunin mo na ang kwintas na ito. Hiniling ko na sa mga kwintas na ito na ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan kapag isusuot mo ito. Kapag naisuot mo na magkakaroon ka ng kakaibang lakas, kakaibang mga pakpak para ikaý makalipad at pwede ka ding maging inbisibol. Kaya alagaan mo ito dahil ikaw lamang ang makakapigil sa kasamaan ng iyong itaý,”paliwanag ni Rhea.
Habang silaý nag-uusap may naririnig silang mga hiyawan at sigawan ng mga tao. Halatang may kinakatakutang nilalang.
“Malamang ang itay mo na iyan. Anak mag-ingat ka sa iyong mga gagawin”.
Bukod sa wala pa siyang alam tungkol sa mga kapangyarihan, takot pa siyang gamitin ang mga ito. Pero hindi na siya nag-atubilin kasi marami na ang taong napatay ng kanyang ama . Isinuot niya ang kanyang kwintas. Naging isang taong may pakpak, mas malakas at mas lalong gumanda si Hestia, dahil sa bago niyang kasuotan. Nagmadali silang lumabas sa kanilang bahay.
“Siya nga ang iyong itay anak,” sabi ni Rhea sa anak.
“Hahaha. Sabi ko na nga ba na pupuntahan mo ang ating anak. Ipapatay mo ako siguro no? Anak, ako ang iyong itay at huwag kang maniniwala sa iyong ina,”sinabi ni Cronus habang siyaý lumilipad sa hangin.
“Ang mga sinasabi ng iyong ina tungkol sa akin ay kasinungalingan. Huwag kang maniwala sa kanya,” dagdag pa na sinabi ni Cronus.
“Huwag kang maniwala diyan anak. ikwinento ko na sayo lahat ng nangyari sa amin. Totoo lahat iyon,” paliwanag naman ni Rhea.
Naguguluhan si Hestia sa mga narinig niya. Pero nanaig parin sa kanyang puso sa eksplanasyon ng kanyang ina. Kaya hindi na sinayang ni Hestia ang kanyang oras. Hinilo niya si Cronus sa pamamagitan ng paglipad paikot-ikot. Pagkatapos nito binugbog niya ng binugbog pagkatapos inilipad niya ito at ihinagis sa malayo hanggang siyaý namatay.
“Salamat anak. Binigyan mo ako ng panibagong buhay at magsisimula rin tayo kasama ka.,” masayang sinabi ni Rhea.
“Para sa inyo iyon inay. Mahal na mahal ko po kayo. Kung hindi naman sa ibinigay ninyong kwintas hindi ko ito magagawa,” sagot naman ni Hestia sa ina.
Nagyakapan ang dalawa.

Saturday, March 20, 2010

Para Sa'yo

sa panulat ni: Cindy Gonzales

Sa kaharian ng Olympus ay mayroong mag – asawang nagngangalang Ops at Saturn. Ang lalake’y tinaguriang ama’t Diyos ng kalangitan, kung kaya’t hindi maikakaila ang ‘di matumbasang at maipintang kaligayahan sa mga mukha nang malamang ang pagmamahalan nila’y nagbunga ng mga naggagandaha’t nagkikisigang mga bata na pinangalanang hango sa Romano ----- Juno, Vesta, Neptune, Jupiter at Pluto.
Ang mga nagpipitagang mga binata’t dilag na ngayon ay mga Diyos at Diyosa kung turingin ng kanilang henerasyo’t kaharian sapagkat, sila’y isa – isang susunod sa yapak ng kanilang ama’t ina, na kapwa’y taglay ang mga kakaibang angking galling, talino’t kakayahan. Nang biglang pinatawag ang mga ito’t humarap sa ‘di mahulugang karayom na bilang ng tao na dumalo sa naturang pagpupulong. At dito na nga inanunsyo ng Amang Haring Saturn ang mga katungkulang nakalaan sa kanyang mga anak na kanilang obligadong gawin sa patuloy nilang pagtahak ng kanilang mga buhay – buhay.

JUNO – Goddess of Childbirth and Marriage
VESTA – God of Home
NEPTUNE – God of the sea
JUPITER – Ruler of Gods’
PLUTO – God of Underworld
Sa pagdaan ng ilang mga araw mula ng sila’y bigyan ng mga katungkulan ay nagsimula na silang sa isang madugong pagsasanay na kung saan ang kanilang tagapag – sanay sa aspetong pilosopiya ay si Aristotle, ang magiting na Siyentista. Layunin lamang ng mga magulang ng mga Diyos at Diyosa na mas lalo pa nilang mapayabong, malinang ang kanilang mga abilidad at masubok ang kani – kanilang lakas at determinasyon sa buhay. At sa gitna ng kanilang pagsasanay, ay pansamantalang pinatigil muna ang mga ito, para sa mahalagang bagay na kanilang pagtutuunan muna ng kanilang pansin, hindi sa kanilang kaharian, kundi sa mundo ng mga tinatawag na mortal. Nagtaka na lamang sila sa sinabi ng kanilang ama ngunit nang dumating na nga si Mercury, ang dakilang Diyos ng mga mensahero, ay hawak – hawak nito ang isang kasulatan na nanggaling sa isang mortal na nagngangalang Eustaquio, isang Vietnamist na ang tanging hangad nito ay matulungan ang kanilang bansa sa aspetong Agrikultura lalong – lalo na sa pamayanang Hanio na siyang kapital nito. Tinaas ni Haring Saturn ang kanyang kanang kamay upang matunghayan kung gaano katotoo ang mga ito, at doo’y nasilayan ang patuloy na pagpapatatag ng mga tao sa kanilang sarili’t loob sa walang hanggang pananalig sa kanilang mga Diyos at Diyosa.
Sa kanilang patuloy na pagsubaybay sa bansang Vietnam ay kanilang nasaksihan ang mga hirap na pinagdaanan ng mga ito, lao na’t, tanging pagsasaka lamang ang karaniwang ikinabubuhay ng mga karamihan dito. Walang nagawa ang mga tao, lao na’t kaligtasan rin nila’y kanilang pinangalagahan sa araw ng delubyong iyon, kung kaya’t ang pagtanggap ng katotohanan na ang tanging sumambay sa kanilang mga isipan tuwing naaalala nila ang sakit na dulot ng nakaraan na sa kanila’y para bang katapusan na ng lahat. Kung kaya’t hindi nag – atubling tumulong ang mga Diyos at Diyosa, sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundong ginagalawan. Sa gitna nga ng kanilang seryosong konversasyon, ay hindi paring maiwasan na magkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan ng mga magkakapatid na nagiging sanhi ng awayan ng bawat isa. Ngunit nang dumating ang Inang Reyna na may hawak na gintong helmet ay nagsitigil ang lahat. Ang debatehan ay pansamantalang naudlot at minabuti ni Ops na siya na lamang ang pipili kung sino ang karap – dapat na tutungo sa mundo ng mga mortal. Ngunit bago ng pagpiling iyon ay pinagkaguluhan ang bagay na hawak ng ina. Tinaas ang kamay na kung saan ang bagay at sabay pagtangos ng kanyang ngoso na tila ba’y tinuturo sa direksyon na kinatatayuan ng kanyang anak na si Pluto, na may malalim na inaiisip ang binata. Tahimik ito’t para bang may kinikimkim. Binalingan siya ng tingin ng lahat at sabay sinigaw ang kanyang pangalan, na doon lamang siya nagising mula sa mahabang, “day – dreaming.”
Pagkaraan ng ilang minutong pagdedesisyon ng kanilang ama’t ina, ay nakapili na rin sila at si Pluto nga ang siyang susubok upang makuha ang attensyon ng mga mortal upang magbago. Sapagkat kung tutumpukin natin ay sila o tayong mga tao ang siyang gumagawa n gating kapamahakan, ang tinutukoy ko ay ang hindi wastong paggamit sa likas na yaman na siyang kapahamakan, ang tinutukoy ko ay ang hindi wastong paggamit sa likas na yaman na siyang dahilan ng kakapusan n gating mga pangangailangan sapagkat tayo’y lubos nang umaabos sa Inang kalikasan. Hanggang, dumating na nga oras ng paglalakbay patungo sa daigdig ng mga mortal, kung kaya’t siya’y ginawang mukhang tao na mas kilala sa pangalang Claudio upang siya’y ‘di mahalatang isa sa mga Diyos ng Olympus. Kasama niya rin rito ang matalik na kaibigang si Ceres, ang God of Grains, ngunit kaibahan lamang nit okay Pluto ay hindi siya makikita ng mga mortal, kung baga ay “guardian angel” lamang siya ditto ngunit ang hindi malilimutan ng anak ay ang pagpapabaon ng kanyang ina ng gintong helmet na tanging gagamitin niya bilang gabay at dagdag kapangyarihan ng binata, ang pagiging “invisible”
Sa kalagitnaan ng gabi’y sinimulan na nga ng dalawa ang pagpapanumbalik sa dating palayan ng mga magsasaka. Ginawan nila ito ng mga ritwal at dasal sa tulong na rin ng mga iba’t ibang kontribusyon ng mga Diyos sa kabilang mundo. Mag – u – umaga na ng matapos ito. Sumisikat na ang araw at abala na rin ang mga tao sa kanilang pang – araw – araw na Gawain, nang biglang namataan ni Ceres ang isang batang mataba, maganda at maalon ang buhok ang umaaligid – aligid kay Pluto, nang biglang namukhaan nito na si Kupido, ang batang may hawak na pana’t taglay ang napaka red rosy chicks, nang Makita ng binata ang isang bente anyos na dilag, simple lamang siya’t lagpas – balikat ang haba ng buhok. Sa gitna ng pagkamangha’t pasasalamat ng mga taong bayan sa milagro ay gumawa na rin ng daan si Pluto na makilala ang dilag na ito, kinausap nito ang dilag at napag – alamang siya’y si Cornelia. Sa tinig niya’y muling naramdaman ng binata ang bilis na pintig ng kanyang puso na para bang matutunaw na siya sa malamyos at mala – anghel niyang tinig, mala – diyamanteng pagngiti, mula sa paglakad ng isang batikang modelo, hanggang sa balangkinitan niyang katawan, mula sa malabituin niyang mga mata hanggang sa wari’y gabi niyang buhok, siguradong wala ka nang hahanapin pang ibang katulad ni Cornelia. Kung kaya’t sa puntong yun ay hindi na pinakawalan ni Pluto ang dilag ngunit nang dumating ang oras ng kanyang tuluyang pag – alis ay hindi maipinta ang pagkadismayang nararamdaman ng binata, ngunit nag – iwan ito ng halik sa pisngi ng binata. Kung kaya’t gumawa ng paraan si Pluto na masubaybayan ang bawat kilos at galaw ng dilag, nang biglang naalala ang bigay ng kanyang ina, ang helmet6. Sinuot niya ito’t nag – mistulang stalker na siya ng ito’y kanyang sinundan at pinagmamasdan araw – araw, ngunit ayon nga sa kanya, “di bale’t ako’y mapagod, maisakripisyo ko lahat ng akin, basata’t Makita ko lang siya’ makapiling para sa aking iniirog kaya kong gagawin ang lahat kahit buhay ko pa ang siyang kapali…”
Hanggang ang gitna ng katuwaan at kasiyahan sa araw ng kapistahan ng bayang Hanoi ay pansamantalang tumigil nang biglang sinugod ng mga grupong magsasakang ralehista ang Alkalde de Mayor na si Eustaquio na ama pala ni Cornelia. Siya yung humiling noon sa kaharian ng Olympus nung panahong sila’y nangangailangan. At sa puntong iyon, ay suot – suot parin ni Pluto ang helmet kaya’t anumang pilit na paghahanap at baling ng tingin sa iba’t ibang direksyun ni Cornelia ay di nito makikita ang binata, ngunit nang naisiwalat ang katotohanan sa taong bayan, doon natanto ng lahat na ang kanilang alkalde ay likas na sinungaling. Ninanakawa at kinukuha ang kaban ng bayan kung kaya’t anumang sakripisyo’t hirap na gawin ng mga trabahador ay mapupundar lamang saw ala; mapupunta sa taong mukhang pera na walang inisip kundi ang sariling karangyaan at sariling kapakanan. Nang biglang kinuha ng lalake ang baril nito’t tinutok saka pinutok sa Alkalde ngunit ito’y tinakpan ni Cor nelia na agad din namang sinaklolohan ni Pluto sa pamamagitan ng pagtanggal niya ng kanyang helmet kung kaya’t siya ang natamaan ng bala at namataang nakahandusay sa kalsada na duguaan ang binata. Nagulat ni Cornelia sa bilis ng pangyayari at walang nagawa ang dalaga kundi umiyak sabay paulit – ulit na sinasambit ang mga katagang, “Claudio! Bakit? Mahal ko wag mo akong iwan….” Tumigil ang lahat ng makitang humahagulgol na si Cornelia na dulot ng sakit na kanyang nararamdaman sa pagkawala ng kanyang iniirog.
Sa kanyang paghihinagpis ay yumakap sa kanya ang malakas na pagbugso ng ulan na sumabay rin sa kanya. Iniabot ng batang paslit ang isang helmet na pagmamayari ni Claduio at ditto linabas ni cornelia ang sakit na kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga taong nakapalibot sa kanya’t Claudio. Tumayo siya sa gitna ng maraming tao’t ulan habang hawak –hawak ang helmet at sabay tinantong, “Kayo! Ang kapangyarihan ay hindi sapat upang ika’y kilalaning pinuno ng anumang samahan o pamahalaan, kundi ang pagmamahal sa kapwa, sa bayan at tunay na serbisyo ang dapat ilaan..” muling lumingon si Cornelia sa bangkay ng kanyang iniiro ngunit biglang may lumabas na anong liwanag at nagin kaaya – aya na ang panahon, tumila ang ulan at unti – unting naging abo na laman ang katawan ni Claudio. Ngunit ang helmet ay nasa kanya parin, buo’t walang kupas. Ang bagay na ginamit upang maisiwalat ang katotohanan na siyang gumising sa damdamin ng buong sambayanan at magsisilbing alaala niya at nila kay Pluto o mas kilalang si Claudio sa mundo ng mortal.

Friday, March 19, 2010

Pepeng Agimat

Sa isang bayan ng Imus Cavite, lumaki si Pepe, isang ordinaryo at machong lalaki. Siya ay mabait, simpleng tao at higit sa lahat inosente. Musmos pa lang si Pepe ay naulila na sa mga magulang dahil sa isang aksidente. Nakapagtapos ng pag-aaral si Pepe at maging isang magiting na pulis.

Sa unang araw ng trabaho ni Pepe, nagsimula ang kanyang misyon tungkol sa masasamang tao na may kakaibang bilis at kapangyarihan. Isang gabi, pumunta si Pepe sa teritoryo ng mga “Evil Man” . Nung pumasok si Pepe, nawalan siya ng malay at biglang may kumupkop sa kanya. Nang magising si Pepe, dinala pala siya ng mga diwata sa kaharian ng Olympus at siya ay napili bilang tagapagligtas ng mga naaapi. Binigyan siya ni Haring Zeus ng isang agimat na gagamitin niya sa pagpuksa ng kasamaan. Nagpasalamat si Pepe at siya’y ibinalik sa mundo. Nang magkamalay si Pepe sa teritoryo ng mga “Evil Man”, nilabanan niya ang mga ito gamit ang kanyang agimat. Maraming napatay si Pepe pero may mga nakatakas din na mga kalaban. May nahuli si Pepe na isang “Evil Man” at tinanong niya kung sino ang amo nila at napag-alaman niyang ang kanilang amo ay si Haring Hades. Naging matagumpay si Pepe sa kanyang unang misyon.

Sa isang madilim na kaharian ng Underworld nakatira si Hades. Pinagalitan niya ang kanyang mga kampon dahil palpak ang ginawa nila. Nalaman niya sa kanila na may isang nilalang na may taglay na agimat at siya ay makapangyarihan; tinawag nila itong Pepeng Agimat sapagkat siya ay malakas, maliksi at hindi tinatablan ng bala, patalim at maitim na mahika. Ipinatawag ni Haring Hades ang mga pinakamalakas niyang mga alagad na “Evil Man” upang paslangin si Pepe at upang maghasik ng lagim sa daigdig.

Habang naglalakad si Pepe pauwi ng kanyang bahay ay may bumukas na isang “portal” mula sa lupa at nagsilabasan ang mga ipinadala ni Hades. Ginamitan nila si Pepe ng malakas na kapangyarihan pero sa hindi pa rin tinamaan si Pep eng kapangyarihang ito. Biglang umilaw ang agimat ni Pepe at sa lakas ng ilaw na dulot nito ay nasunog ang mga “Evil Man” na umatake sa kanya. Nagtagumpay na naman si Pepe sa sitwasyong ito.

May bumukas din na isang portal na nagmula sa langit at bumaba si Haring Zeus. Nagpasalamat si Zeus kay Pepe dahil ginagamit niya ang agimat sa mabuting paraan ngunit binalaan ni Zeus si Pepe na marami pang alagad si Hades na hindi niya ipinapadala at hindi pa siya sumusuko hanggang hindi mapapasakanya ang daigdig. Nang marinig ito ni Pepe, nangako siyang sasanayin niya ang lahat ng mga technique sa paggamit ng agimat para lalo siyang lalakas at maging handa sa susunod na pagsalakay ni Hades.
Pambansang Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte
Lungsod ng Laoag
S.Y. 2009-2010



PROYEKTO
SA
FILIPINO

Inihanda ni:
Maru Austin I. HIlario
IV ZODIAC




Ipapasa kay:
G. Richard Collado
Guro sa Filipino

Wednesday, March 17, 2010

Bato ng Kaligtasan

sa panulat ni Jessa Valerie Balanay


Ang Barangay Ozone ay masasabing isang maruming barangay. Ang mga nadadaanang mga kalsada ay may maraming nakatambak na mga basura na galing sa mga bahay-bahay, at mga usok na nanggagaling sa mga factory na nagdudulot ng grabeng polusyon sa Barangay Ozone at nakakasira sa ozone layer.
Isang araw, may isang batang naglilinis sa kanila ng bakuran. Sa kanyang paglilinis may nakita siyang kakaibang baton a kulay violet. Pinulot niya ito at inilagay sa kanyang bulsa. At nang natapos na siya sa paglilinis ay tinignan niyang muli ang bato na kanyang napulot. Laking gulat niya dahil ito ay nagsasalita.
“Gamitin mo ako, Lunukin mo ako”. Pagkatapos nagsalita ang bato ay sinunod ng bata ang utos ng bato at nagiging kakaiba siya. Ang kanyang pananmit ay damit ng superhero.
“Anong nangyari sa ‘kin?” bulong ng bata sa kanyang sarili.
Nung nakapagtransform na ang bata ay may nagpakita sa kanya na dalagang nakasuot ng berdeng damit at sinabing
“Isa ka nang tagapagligtas! Binigyan kita ng kapangyarihan na baguhin ang ozone layer dahil ito na ay unti-unting nasisira dahil sa kagagawan niyong mga tao. Magagawa mo na ngayon ang iyong misyon”.
“P-p-ero hindi po ako handa na maging tagapagligtas!” sambit ng bata.
Biglang nawala ang dalaga.
“Paano ko gagamitin ang aking kapangyarihan?”
Pumunta ang dalaga sa kanyang kwarto at umiiyak.
“Bakit ako pa ang napili? Bakit?”
Nagpakita ng muli ang babae sa bata at tinulungan niya ito kung paano gagamitin ang kanyang kapangyarihan.
Kinaumagahan, nagsimula na ang bata sa kanyang misyon. Inimbita niya lahat ng tao sa kanilang barangay upang ihatid ang mangyayari sa kanila kung ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang mga di-mabubuting gawain na nakakasira sa ozone layer at sa kapaligiran. Nung una, hindi pa naniniwala ang mga tao sa kanya pero unti-unti ring naniwala ang mga tao at nabago niya ang ozone layer. Namuhay siya ng matiwasay sa kanilang barangay.

Agimat ng Buhay ni: Mae Graciela D. Calija

Kadalasan sa panahon ngayon, ang mga bata ay namumulat sa kagandahan ng buhay na binabase sa mga kuwentong pampantasya. Malawak ang naibibigay nitong imahinasyon sa mga inosenteng isip na mismong pinaniniwalaan na nila. Paano nalang kaya kung isang araw ay isa ka na sa may mga kuwentong pantasya?
Sa isang liblib na lugar sa bayan ng Orenya, isang munting bahay ang nakatayo sa paligid ng mga malalaking puno. Nakatira dito sina Lola Selda at ang kanyang pinakamamahal na apong si Ysa. Maagang naulila ito ng maaksidente ang kanyang mga magulang kaya ang lola na niya ang nagpalaki sa kanya. Simula noon ay hindi na sila masyadong lumalabas. Malayo ang bahay nila sa sentro ng Orenya kaya tila silang dalawa nalang ang magkakilala. Wala na silang hihilingin pa dahil mayaman ang kanilang paligid ng mga prutas, gulay at mga hayop. Si Ysa ay hindi pumapasok sa paaralan dahil sa malayo ito at wala silang sapat na perang panggastos. Ngunit tinuturuan siya ng kanyang lola ng mga magagandang asal sa pamamagitan ng pagkuwento ng mga pangkaraniwang pangyayari na kapupulutan ng aral. Busog na busog ito sa mga kuwento ng kanyang lola kaya minsan ay pinaniniwalaan nitong mayroong mga kapangyarihan, agimat at iba pa.
Sa una ay kuntento na ito sa kung ano at paano ang buhay nila ngunit habang lumalaki na ito at nalilinang ang kanyang isip ay nagkakaroon na ito ng pag-aalinlangan sa kung bakit wala siyang mga kalaro, kaibigan o mga kakuwentuhan. Gusto niyang lumabas at mamasyal sa maraming tao ngunit hindi niya alam kung saan ang daan. Gusto niyang tuklasin at danasin ang buhay ng ibang mga tao.
Isang araw, habang ito’y namimitas ng mga sariwang gulay at mga prutas ay nakarinig ito ng himig ng isang dalaga. Hinanap niya ito hanggang sa makarating siya sa may batis at nakita ang isang mala-anghel na dalagang nakasuot ng mala-rosas na damit. Ito’y namimitas ng mga bulaklak habang kumakanta. Linapitan ito ni Ysa. Namangha ito sa angking niyang ganda. “Athena” bigkas ng malamyos nitong tinig at may inabot na kuwintas. Habang tinitignan ni Ysa ang kuwintas ay unti-unting naglaho ang dalaga. Agad na tumakbo si Ysa sa kanyang lola at ibinahagi ang kanyang nakita. Gulat na gulat ang kanyang lola ng sabihin nitong Athena ang pangalan ng dalaga. Saka lang niya napagtantong ang Diyosa ng kaalaman at karunungan ang nakita nito nang isalaysay ng kanyang lola ang kuwento ng mga Diyos at Diyosa.
Magkaagaw ang liwanag at dilim nang biglang umilaw ang kuwintas na suot-suot nito. Hinawakan niya ito at ng isang iglap ay nasa gitna na siya ng isang paaralan na nakatayo at gulat na gulat. Linibot niya ang paligid saka niya matandaan na hiniling niya kanina na sana makapasok siya sa isang paaralan. Gulong-gulo ang knayang isip nang maalala niya ang dalaga na nagbigay sa kanya ng kuwintas at sa mga kuwento ng kanyang lola tungkol sa mga diyos at diyosa. Sinubukan niyang hilingin na sana mapuntahan niya ang bayan at gaya ng unang nangyari, umilaw ang hawak nitong kuwintas saka hindi na niya namalayan na nakatayo na siya sa daan na pinapalibutan ng mga mararaming bahay at naglalakad na mga mamamayan.
Bumalik siya sa bahay nila gamit ang kuwintas saka ikinuwento sa kanyang lola ang agimat na nasa kuwintas. Nag-alinlangan ang kanyang lola na baka may kapalit lahat ng mga iyon, Ngunit napagtanto nito na bakit pa niya tatanggihan kung iyon ang magpapasaya sa kanyang apo.
Sa paglipas ng mga araw ang tila parati ng wala si Ysa sa kanilang bahay dahil sa pagpunta sa iba’t-ibang mga lugar na noon ay sa panaginip lang niya napupuntahan ngunit ngayon ay mismong siya na ang nandoon. Kakaunting panahon narin ang nagugugol niya sa pagsama sa kanyang lola. Sa una ay hinayaan lang niya ito na gawin lahat ng gusto ni Ysa. Ngunit malaking bagay na ang iniiwan nito sa tuwing magpupunta siya sa mga lugar. Hindi na siya ang dating Ysa na namimitas ng mga gulay at mga prutas, hindi na niya naaalagaan ang kanyang mga alagang hayop, hindi na siya sumasabay kung kakain sila, at hindi na siya and masunuring bata na kung uutusan ng kanyang lola ay agad siyang pupunta. Malaki ang pinagbago niya nang magkaroon siya ng kakayahang makapunta sa mga lugar na pangarap niyang puntahan.
Hanggang sa isang araw ay nagkasakit ang kanyang lola dahil sa pag-ako lahat ng gawain na dati ay ang kanyang apo ang gumagawa. Hindi sana ito napansin ni Ysa hanggang sa umubo ito at naglabas ng dugo. Hinidi niya alam kung anong gagawin niya sa kanyang lola. Naisip nito na kung hindi sana siya naging mapagmadali sa mga bagay-bagay ay sana na samahan niya ang kanyang lola at natulungan sa mga gawain. Napagtanto nitong kasalanan niya ang ngayari dahil iniwan niya ito sa tuwing kailangan niya ang kanyang tulong.
Bumalik siya sa batis at humingi ng tulong sa dalagang nagbigay sa kanya ng kuwintas. Suwerte naman ng makita niya ulit ang magandang dalaga na nakaupo sa isang malaking bato.Nilapitan niya ito ang humingi ng tulong.
“Pagagalingin ko ang iyong Lola Selda ngunit kailangan mong ibalik ang kuwintas na binigay ko sa iyo,” ani ni Athena.
Isinauli na niya ang kuwintas at pagkarating sa kanilang bahay ay nakita na niyang nakatayo ang kanyang lola at nagluluto ng kanilang hapunan. Laking salamat nito dahil gumaling na ang kanyang lola. Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng pagkakamali niya at nangakong hindi na niya ito iiwan. Sinabi na rin niyang binalik na niya ang kuwintas dahil napagtanto nitong ang kagandahan ng buhay ay wala sa hawak na agimat kundi sa mga taong nagmamahal at patuloy na nag-aalaga sa kanya. Laking pasalamat din niya dahil sa kaunitng panahon ay naranasan niyang mabuhay ng may kakaibang kapangyarihan upang matupad lahat ng kanyang mga pangarap.
At ngayon ay balik na ulit siya sa dati at normal na pamumuhay kasama ng kanyang mahal na mahal na lola.

Tuesday, March 16, 2010

Fairiex, sa Mundo ng Magix

sa panulat ni Queenie Rose S. Corpuz


Sa mundo ng Magix, ang kaharian ay nababalot ng misteryo na kinapapalooban ng mahika patungkol sa makabagong agham at teknolohiya. Ang mga prinsesa sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagtipon-tipon sa pagtuklas ng kanilang kakayahan at iligtas ang mundo. Sila’y nag-aaral sa Zafaire, ang paaralan sa paghubog ng kapangyarihan upang maging isang ganap na diwata o diyosa. Nabibilang dito ang grupong Fairiex na binubuo ng mga magkakaibigang sina Techna, Coco, Minzy at Bommie.
Oras na upang gumising at abala ang lahat sa pag-aayos ng sarili na ginagamitan pa rin ng mga mahiwagang mahika.
“Hey Girls! Nalaman ko na sa Library matatagpuan ang iba’t ibang magic spell na ipinagbabawal ni Ginang Faragonda.” Balita ni Techna.
“Ngunit paano tayo makakapasok nang hindi niya makikita? Nararamdaman ko ang tinig at babala ng kalikasan.” Malungkot na sagot ni Coco.
Abala sa pagtugtog ng gitara si Minzy nang bigla niya itong itinabi at sinabing,
“Nakita ko na ang aklat na ‘yon. Matatalinghaga ang pahayag na nakasulat sa pabalat ngunit hindi ko nagawang buksan.”
“Hmmm… Kailangan nating mag-isip ng paraan kung paano makukuha ang aklat ng magic spell.” wika ni Bommie habang nilalaro ang apoy ng kandila.
Hindi nagtagal at pumasok na ang Fairiex sa kanilang klase na walang maibigay na konklusyon sa plano. Sa kabilang banda, mayroong karibal ang Zafaire, ang Darktower. Ito naman ang paaralan ng mga mangkukulam. Mahigpit na kaaway ng Fairiex ang Trickiex dahil sa kanilang kasamaan at panggugulo. Kabilang ditto ang masasamang magkakapatid na sina Icy na kayang gumawa ng mahika upang maging yelo ang isang bagay, si Darcy na may mahika sa kadiliman at si Stormy na kayang galitin ang panahon at magkaroon ng kidlat.
Nagkaroon ng aktibidad ang Zafaire na lumabas ng paaralan at makipagtulungan sa kalikasan upang hubugin ang kapangyarihan ng bawat isa. Habang nasa labas ang lahat, ito ang nagsilbing pagkakataon sa Fairiex upang isagawa ang pagkuha sa aklat.
Sila’y nakarating sa library nang walang nakakakita at agad nilang kinuha ang aklat. Pagbukas nila, isang nakakasilaw na liwanag ang nasilayan. Nawalan sila ng malay. Sa kanilang pagkagising biglang nawala ang aklat.
“Huh, anong nangyari?” tanong ni Techna.
“Hindi ko alam.” Sagot ni Coco habang iminumulat ang mga mata.
Nagulat ang lahat at tila nabigong bumalik sa kanilang iisang kwarto. Sa pagkagat ng dilim, nag-iwan ng bakas ng mga katanungan sa kanilang isipan. Sa kanilang pagtulog, sila’y nagkaroon ng isang panaginip.
“Techna…Techna… Ako si Athena, ipinagkakatiwala ko sayo ang kapangyarihan ng karunungan upang mamuno.”
“Coco…Coco… Ako si Hyperion, ipinagkakatiwala ko ang kapangyarihan ng araw.”
“Minzy… Ako si Apollo, ipinagkakaloob ko ang musika bilang kapangyarihan.
“Bommie... Ako si Hephaestus, ang kapangyarihan ng apoy ang siyang ipagkakaloob ko sayo.
“Gamitin niyo sa mabuting paraan at hangarin.”
Nagising ang apat at ipinahayag ang bawat panaginip. Magkakatugma ang bawat pangyayari. Sinubukan nila ang kanilang kakayahan at naging totoo nga ang lahat. Hindi pa rin naging malinaw ang lahat sa Fairiex at sila’y pumunta sa Library upang konsultahin ang aklat.
Bumungad sa kanila ang Trickiex habang hawak-hawak ang magic spell na aklat. Hinarap nila ang mga ito ngunit dahil sa panlilinlang, naging yelo ang buong paligid dahil kay Icy. Ginamit naman ni Darcy ang kanyang kapangyarihan at sila’y napunta sa lugar na nababalot ng kadiliman.
Sinamahan pa ito ng kidlat ni Stormy. Hindi na makayanan ng apat ang kanilang pwersa nang biglang sumigaw si Techna,
“Fairiex!!!”
Nagbagong anyo ang bawat isa taglay ang mga kapangyarihan.
“Invisible technological visual lenses, activate!” pambungad na sigaw ni Techna.
“Solaria Sun magic wand!” alinsunod na sigaw ni Coco.
“Sound waves, ACCESS!” patutsada ni Minzy at –
“Dragon Ring, F-i-i-i-r-e!” panapos ni Bommie.
Nabuksan ang liwanag at natalo nila ang Trickiex. Sa insidenteng nangyari natanggal ang Trickiex sa Darktower at binawian ng mga kapangyarihan.
Nabawi ng Fairiex ang aklat at ibinigay kay Ginang Faragonda. Upang matapos ang maraming katanungan, ipinakita niya sa mga Fairiex ang laman ng aklat.
Laking gulat nila nang malaman nila na ang kanilang mga buhay at ang pagiging ganap na diyosa ang nakatala at nakalarawan dito. Namuhay ng tahimik at puno ng mahika ang Zafaire habang nakakulong ang Trickiex sa ibang panig ng mundo.

Invie: Ang Diyosa sa Lupa

sa panulat ni: Traisy Mici Canales


Mula sa mundo ng mga supernatural at kababalaghan…sa mundo kung saan hindi pa naaabot ng kahit na sinong mortal na tinag na Olympus. Lugar kung saan nakatira ang mga Diyos at Diyosa na taglay ang iba’t-ibang kapangyarihan. Taglay ng Olumpus and naggagandahang mga hardin at tanawin na napagyaman pa ng mga nakatira. Ang Olympus ay pinamumunuan ni Zeus, ang Diyos ng mga Diyos at Diyosa at taglay niya ang kapangyarihang kildlat na wala nang hihigit pa.
Nagkaroon ng anak si Zeus kay Methius isa ring Diyosa ng isang babaeng sanggol. Pinangalanan nila itong Invie, mabilis ang paglaki ni Invie at ikinatuwa naman it ni Zeus. Araw-araw ay pinagmamasdan nito si Invie upang makilatis kung an ong kapangyarihan mayroon si Invie, ngunit dumaan ang maraming araw pero wala pa ring naipapakita si Invie. Naiinip si Zeus sa paghihintay kaya agad niyang pinatawag si Invie.
“Malaki ka na ngunit hindi pa rin lumalabas ang iyong kapangyarihan, natitiyak ko na hindi ka bagay ditto sa Olympus kaya ngayon pa lng ay itatapon na kita sa mundo ng mga mortal at doon mamalagi, Ibibigay ko sa iyo ang kakayahang maglaho dahil iyon ang nababagay sa iyo!”utos ni Zeus.
At natapon nga sa lupa si Invie, sa oras na tumapak siya sa lupa ay naglahong lahat ang kayang alaala. Napulot siya ng isang mayamang mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak at doon na naninirahan. Magddedesi-otso na si Invie noong maramdaman niyang may kakaiba sa kanya, kapagka ayaw nya ang kanyang kausap o napapahiya siya ay bigla raw siyang hindi nakikita ng kanyang mga kaibigan. Marami pang mga pagkakataon ang nangyari at unti-unti nang natuklasan ni Invie ang kanyang kakayahan. Sa kanyang murang edad ay kung anu-ano ang pinag-gamitan niya nang kanyang kakayahan. Unti-unti niyang nakontrol otp at ginamit pa upang sundan ang kanyang crush at magmanman sa kanyang kaaway. Nang mag bente-anyos na siya ay naisip niyang magseryoso sa paggamit nito dahil naniniwala siyang regalo ito nang nasa itaas.
Sa paggamit niya sa kanyang kakayahan sa kabutihan ay marami siyang natulungang tao, kagaya nang pagpapataw ng parusa sa tunay na suspek sa isang krimen. Ginamit niya ang kanyang paglalaho upang manmanan ito. Minsang ma-kidnap siya ng isang Kidnap for Ransom group ay nagawa niyang tumakas nang hindi siya nakikita ng mga kidnappers at naisumbong niya ito sa mga pulis. Laking pasasalamat nang kanyang mga magulang.
Ipinagpatuloy pa ni Invie ang pagtulong niya sa kapwa, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para sa mabuti. Masaya naman siyang pinagmamasdan ng kanyang mga magulang sa itaas.

FUJICK READER

sa panulat ni : MAEJEL M. MARTINEZ



FUJICK READER

Ang ating buhay ay puno ng mga pagsubok. Pagsubok na halos ikamatay natin sa kahahanap ng solusyon. Pagsubok na ating hinaharap kahit na tayo’y nahihirapan na. sa kabila ng mga ito tayo’y pinagpala pa rin sa hamon ng buhay.
Ako si Fujick o ang sunasabi nilang “future reader”. Nakikita ko ang mga mangyayari pa lamang sa hinaharap. Nabibigyan ko ng solusyon ang mga problemang dumarating sa buhay ng isang tao. Nakikita ko ang mga masasamang pangitain ng mga masasamang tao at natutulungan ko silang magbago. sa kabila ng mga ito, ako'y pinagpala at mayroon akong taglay na kapangyarihan na tulad nito. ngunit ito'y isang mabigat at napakalaking responsibilidad at obligasyon.
Bukod tangi akong pinagpala sapagkat ang taglay kong kapangyarihan ay ibinigay ng Diyosa ng Kaalaman at Karunungan. taos puso ko itong tinanggap sapagkat nakakatulong ako sa aking kapwa tao.
Isang araw kami ay sumakay sa isang barko pauntang Cebu. Gaganapin ang isang Seminar doon. At sinamantala namin ang pagkakataon. Masayang-masaya kami. Napakalaki ang barko at napakarami ang sumakay dito. Nakisama din kaming nakisaya. Kain kami ng kain hanggang sa kami'y aliwin ng tulog. Nakatulog ako pero ang aking isipan ay gising na gising. At bigla na lang na may nakita ako sa aking isipan na may mga taong humihingi ng tulong. Napakarami nila. Tiningnan kong mabuti. Nakita ko din ang aking mga kasama. Nalulunod ang sinasakyan naming barko!Nagising ako at nakita kong himbing na himbing ang tulog ng aking mga kasama. Lumabas ako ng kuwarto. Pinuntahan ko ang Kapitan ng barko at kinausap ko ito. Ayaw nila akong paniwalaan. Nagmakaawa ako at sinabi ko ang mangayayri. "Mamamatay tayong lahat dito kung ayaw nito akong paniwalaan."paliwanag ko. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Nasisisraan ka na ba ng bait?" sumbat ng Kapitan. "May sira ang sira ang sinasakyan natin at posibleng mawala ito ng kontrol at tuluyan nang lulubog,"paliwang ko sa kanya. Hindi nakaimik at pinagpawisan ang Kapitan at ito'y napaluha. "Paano mo nalaman na ito'y may sira?" tanong pa rin ng Kapitan. "Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang lahat," sagot ko. Nagplano kami. Madaling oras na ito ng gabi at napakatahimik ang paligid. Tumawag kami ng mga Rescue Team at ipinaliwanag ko ang lahat. Ginising namin ang mga tao at sinabi ko ang posibleng mangyayari. At agad naman silang pumayag. Inilipat namin sila sa kabilang barko at ito'y naging madalian sa kooperasyon ng bawat isa. Eksaktong alas dose ng tanghali ay unti-unting lumubog ang barko. Nag-iiyakan ang mga tao. At halos hindi nila kalain ang lahat. "Salamat sa iyo, Fujick Reader,"sabi ng Kapitan. "Tungkulin ko pong tumulong sa mga nangangailangan,"sagot ko. Nagpalakpakan ang mga tao at nakita ko ang saya at takot nilang nadarama sa kanilng mga mukha. Nagpasalamt silang lahat at buong puso kong tinanggap.
Ang makatulong sa kapwa ay isang napakalaking karangalan. Ang saya-saya ng damdamin kung ikaw ay nakakatulong sa kapwa tao. Ang kapangyarihang taglay ay dapat gamitin ito sa mabuting paraan upang makatulong sa kapwa at huwag ipagyabang o gamitin sa masamang paraan. Ito'y isang napakalaking bagay na tulong para sa atin.

Monday, March 15, 2010

Yara, ang batang biyaya

 Sa panulat ni Ruvie Kristine Faith Pascua
Yara. Ito ang aking pangalan. Ako’y lumaki ng walang kinikilalang tunay na ama’t ina. Ang tanging kasama ko lang ay ang diyos ng araw, si Apollo. Siya ang tinuring kong ama-amahan. Ayon sa kanya, ako’y kanyang napulot sa hardin mg bundok Olympus noong ako’y sanggol pa lamang. Walang kasama, uga ng uga at nababalutan lang ng dahon ng saging ang aking katawan. Ni minsan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng aking mga magulang. Ayon kay Eena, ang taga basa ng mga nakaraang propesiya, ang aking mga magulang ay parehong mga immortal. Sila’y nagmamahalan ngunit ang kanilang mga magulang ay tutol sa kanila. Dahil matatag at totoo ang kanilang pagmamahalan, sila’y lingid na nagkikita sa hardin ng bundok Olympus. Nakita sila ni Hermes, ang mensahero ng mga diyos at diyosa at nagsumbong ito sa kanilang mga magulang. Mula noon ay isinumpa na sila ng panahon. Sila’y itinakwil at isinumpang magiging mortal at isa lang ang tanging paraan upang sila’y makabalik sa pagiging mga diyos at diyosa. Hindi naman mabasa ni Inang Eena ang nakasaad sa libro ng propesiya pagkat nasunog ang pahinang kinalalagyan ng sumpa ng minsang natamaan ito ng kidlat ni Amang Zeus.
            Ina at ama ang tawag ko sa lahat ng mga nakakatandang diyos sa akin pagkat inuturing nila akong biyaya at anak.
            Bagamat hindi na mga diyos at diyosa ang aking mga magulang, laking pasasalamat ko parin kay Amang Apollo hindi lamang sa pagkupkop sa akin kundi pati narin sa pagsang-ayon niya na binyagan akong prinsesa ng kabusilakan ng puso at tagagaling ng mga sakit. Iyon ay ayon narin sa propesiya. Ang batang babae na magkakaroon ng hugis pakpak sa kanyang mga palad ay nagtataglay ng kakaibang lakas, talino at magbibigay ng bagong pag-asa hindi lamang sa mundo ng mga diyos kundi pati narin sa lahat ng may buhay. At ang aking mga palad ay sadyang may pulang marka na animo’y pakpak ng ibon.
            Hindi lingid sa kaalaman ng mga Olympusyano na ako’y likas na manggagamot. Naging usap-usapan ang aking pangalan ng ako’y anim na taon palamang.
            Minsan, nanganak ang kapatid ni Amang Apollo, si Failyn. Nagkaroon ang kanyang anak ng malubhang karamdaman na popular sa tawag na Ketong. Ako’y naawa dahil sa kanyang mga uga at hikbi na para bang humihingi ng tulong at yakap ng malalambot na braso. Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga pulang marka sa aking mga palad at para bang ito’y umiinit ng umiinit habang tumatagal. Wala akong kamalay-malay ng hawakan ko ang kamay ni Fitaa, ang anak ni Inang Failyn. Walang kung ano-anu’y lumiwanag ang aking mga kamay ng ilang sandali at tumigil na bigla sa pag-iyak ito. Ang mga pulang parang ang kati-kati sa balat ay biglang naglaho. Sa pagkakataong iyon ko unang nakita ang aking kakayahan…ang kakayahang mag pagaling ng mga sakit at sugat. Totoo nga ang propesiya. Mula noon ay dinayo na ako ng mga kapwa ko Olympusyano. Pati si Amang Zeus ay aking napagaling ng minsang natamaan siya ng kanyang sariling kidlat.
            Habang ako’y lumalaki at nagkakaisip, kasabay din nito ang paglakas ng aking loob na hanapin ang aking mga magulang sa ibayong mundo, ang mundo ng mga tao. Dumating ang araw at nagpasya akong hanapin ang aking mga magulang.
            “Amang Apollo, nais ko sanang hingin ang iyong pahintulot upang ako’y maglakbay ay hanapin ang aking mga magulang,” ang aking pakiusap.
            “Anak kong Yara, mahirap ang iyong binabalak. Malawak ang mundong iyong tatahakin at maaaring hindi mo makakaya at hindi ka na makakabalik pa ditto,” paliwanag ni ama.
            “Ngunit ama. Matagal ko nang pinaghandaan ang pagkakataong ito. Sana’y pagkatiwalaan ninyo ako. Nais kong masilayan ang aking mga magulang,”
            “Mahal kita anak. Kayat kahit labag sa aking kalooban ay aking ibibigay sayo ang iyong kalayaan,” mangiyak- iyak na sambit ni ama.
            Hindi ko na inaksaya ang oras at pagkatapos ng pag-uusap naming ni ama’y pinuntahan ko agad si Inang Eena.
            “Nais ko po sanang humingi ng mga palatandaan tungkol sa aking mga magulang. Ako’y maglalakbay sa mundo ng mga tao para hanapin sila at sana’y matulungan niyo po akong mapabilis ang aking paghahanap,”
            “Ganoon ba anak? Sana’y maging matagumpay ka sa iyong misyon,” sagot nito habang hinahanap ang pahina sa kanyang libro.
            Ayon sa libro, ang aking ina’y katulad ko ring may marka sa palad tulad ng sa akin at ang aking ama’y may isang marka ng maliking leon na may pakpak sa kanyang kaliwang dibdib.
            Nalaman ng lahat ng Olympusyano ang aking balak at nagdaos sila ng isang piging sa kaharian ni Amang Zeus. Sa pagkakataong iyon ay humingi na ako ng pahintulot sa hari na ako’y payagang padaanin sa hari na ako’y payagang padaanin sa pintuan ng ibang mundo na nasa kanyang pangngalaga.
            “Bilang kapalit ng mga magagandang ginawa mo sa lahat ng kapwa nating Olympusyano at paggagamot sa aning mga sakit, pinahihintulutan kitang dumaan sa pintuan ng mga mundo at bumalik kung kelan mo gusto.  Mag-ingat ka lagi mahal kong anak,” sambit ni Haring Zeus.
            Abot-langit ang aking ngiti sa aking labi ng biglang may tumapik sa aking mga balikat.
            “Wag mo sanang iisiping wala kang mga magulang pagkat lahat ng Olympusyano at tinuring kang anak. Yara, isa kang biyaya para sa amin,” umiiyak na tugon ni Inang Thea, ang diyosa ng kagubatan.
            “Salamat Ina. Wag po kayong mag-alala sa akin. Babalik po ako kasama ng aking mga magulang. Mag-ingat din po kayo,” ang aking sagot habang yinayakap siya ng mahigpit.
            Nagpatuloy ang piging at lalo pang naging emosyonal ang lahat ng dumating na ang oras ng aking pag-alis.
            Pinagkaloob sakin ni haring Zeus ang kwintas na susi sa pintuan ng mga mortal.
            Kumakaway pa ang aking mga kaibigan at ama ng ako’y pumasok sa kulay bahag-haring pintuan. Ilang Segundo lang ay…
            “Ito naba ang mundo ng mga tao?” ang tanong ko sa aking sarili.
            Ako’y nasa gitna ng isang kagubatan. Laking gulat ko nalang ng biglang may isang boses ng lalaking sumigaw ng aking pangalan.
            “Yaraa!”
            Napalingon ako at nakita ang estrangherong makisig na binata.
            “Ako si Jyno. Ako ang mortal na anak ni amang Apollo. Kinausap ako ni ama sa aking panaginip noong isang gabi at ipinaalaga ka sa amin ni Ina. Sa bahay ka muna titira hangga’t hindi mo pa tapos ang iyong pakay,” ang mabait na pakilala ng lalake.
            Sinamahan ako ni Jyno sa paghahanap habang itinuturo sa akin ang mga bagay-bagay sa mundo ng mga tao.
            Isang araw, pumunta kami sa pamilihan upang bumili ng ulam ng biglang may nabanggang bata ang isang jeep. Duguan ang bata pagkat malakas ang pagkakabangga nito. Nasaksihan ko ang pangyayaring iyon kayat kumaripas ako ng takbo patungo sa kinaroroonan ng batang. Hinawakan ko ang kangyang kamay at tulad ng dati’y lumiwanag ang aking kamay. Ilang sandali lang ay biglang gumising ang binata at tumayo na parang walang nangyaring  banggaan.
            Tinitigan ako ng bata na para bang nagpapasalamat sa aking ginawa.
            “Empong, okey ka lang ba?” ang kabadong tanong ng batang mas matanda siguro sa kanya ng dalawa o tatlong taon.
            “O..ot..otei la..ng ato tuya,” ang nag-aalanganing sagot ng bata.
            “Empong?”ang nagtatakang tanong ng kanyang kuya.
            “Kapatid mo ba siya?” ang aking tanong ngunit hindi niya ako pinansin. Bigla niyang yinakap ang kapatid sabay sigaw…
            “Nakakapagsalita na ang aking kapatid! Hindi siya pipi! Hindi na siya pipi,” habang lumulundag sa kasiyahan.
            “Tuya, magpatalamat tayo ta Tanya. Pinagaling niya ato,” ang sambit ni Empong.
            Noon ko nalaman na pipi nap ala si Empong pagkasilang palang at kahit a,e,I,o,u manlang ay hindi niya mabigkas.
            Nasaksihan ng marami ang nangyari kayat naging usap-usapan ako sa buong bayan. Maraming naniwala sa aking angking galing kayat hindi ko pinagdamot sa kanila ang tsansang mapagaling sila.
            Isang araw, nagpasama ako kay Jyno sa bahay pagamutan upang pagalingin ang mga may sakit at nagbabakasakaling Makita ko ang aking mga magulang. Gabi na noong matapos ko ang lahat. Isang kwarto nalang ang hindi ko napapasok ana Private Room 21. Papasok n asana ako ng biglang…
            “Mam, pinagbabawal po nilang pumasok ang kahit na sino diyan. Iniisip lang po naming ang inyong kapakanan,”ang sabi ng isang nars.
            Umuwi kami ni Jyno ng gutom at walang pera. Maraming nag-aalok ng pera sa akin tuwing napapagaling ko sila ngunit inaayawan ko ito. Ang tanging sagot ko lang sa kanila’y
            “Alagaan ninyo ang inyong mga sarili pagkat baka hindi ko na kayo papagalingin pa. Magdasal kayo sa Diyos at wag gumawa ng bagay na alam ninyong masama,”
            Bago ako natulog ng gabing iyon, inisip ko kung nasaan na ang aking mga magulang. Ilang buwan na akong naghahanap, ilang tao narin ang aking napagaling ngunit ni isa sa kanila’y wala akong nakitang palatandaan tulad ng kina ama at ina. Maari kayang patay na sila? Hindi maaari!
            Nagdaan ang panahon ngunit wala parin ang aking mga magulang. Mag-iisang taon at anim na buwan na ako sa mundo ng mga tao ng minsang napanaginipan ko ang kwartong hindi ko pa napapasok sa pagamutang pinuntahan naming noon ni Jyno. Kayat pagkaligo ko kinaumagahan, pumunta na ako sa pagamutan. Hindi na ako nagpasama kay Jyno dahil may klase siya. Nasa ika-apat na baitang na siya sa kolehiyo. Magtatapos na siya sa kursong Nursing. Magkasing-edad kami ni Jyno ngunit di ko na ako nag—aral pagkat iba ang paraan ng kanilang pag-aaral kung kumpara sa amin.
            Dumiretso ako sa kwartong aking napanaginipan.
            “Private Room 21,” ang aking bulong.
            “Naku. Kawawa yung dalawang pasyente diyan Yara. Ilang taon na silang nakaratay at oxygen lang ang bumubuhay sa kanila. Pero alam mo kahit wala silang malay ay talagang makikita mo ang pagmamahal nila sa isa’t isa kase magkahawak lagi sila ng kamay. Minsan nga, tinanggal naming mahigpit na pagkakahawak nila sa isa’t isa pero alam mo kinaumagahan? Bumalik na naman iyon sa dati kaya natakot kami at hindi na naming sila dinischarge,” ang nakakapangilabot na kweto ni Vie-ann, ang matagal ng nars doon.
            Nagulat ako at humingi ng pahintulot na kung maaari’y pasukin ko iyon. Pumayag naman siya ngunit hindi ko siya dapat isumbomg pagkat pinagbabawal iyon.
            Pagpasok ko palang sa kwartong iyon ay naramdaman ko na agad ang Aura na naglalaro sa paligid. Pakiramdam ko’y bumalik na naman ako sa mundo namin. Pinagmasdan ko ang dalawang taong nakaratay sa mga higaan. Ang pagkakakapit ng kanilang mga kama’ sa isa’t isa ay para bang mga batang ayaw humiwalay sa kanilang mga magulang. Lumapit ako sa babae at pinagmasdan ang kanyang pisikal na anyo. Maganda siya at kahit walang malay ay hindi natitinag ang mga ngiti na kanyang mga labi. Napansin kong ang kanyang isang kamay ay nakabukas, na bahagya kong nakikita ang kanyang palad. Napaluhod ako habang hinahawakan ang kanyang mga palad. Tiningnan ko ang aking palad at parehong parehong sila ng marka.
            “Ina!” ang aking bigkas at hindi ko namalayan ang paghulog ng mga butil ng luha sa aking mga mata.
            Naisip ko ang palatandaan ng kay ama kayat minabuti kong tingnan ito. Laking gulat ko ng Makita ko ang marka ng isang leon na may pakpak sa kanyang dibdib. Humagulgol ako. Hindi ko alam kung ibig sabihin ng aking pag-iyak. Ito ba’y dahil sa sakit at lungkot na nadarama pagkat ang aking mga magulang ay matagal ng naghihirap sa pagkakaratay o dahil sa tuwa’t galak na sa wakas ay nakita at nahawakan ko na ang aking tunay na ama’t ina.
            Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinawakan ko ang kamay ng aking ina at hinalikan ang kanyang noo. Nagbabakasakaling maibalik ko pa sila sa dati. Ilang sandal pa’y humigpit ang pagkakahawak ni ina sa akin at ang kanyang mga mata’y unti-unti ng bumukas.
            “Anak salamat at ika’y dumating. Iligtas mo ang iyong ama. Hawakan mo ang kanyang dibdib at halikan ang kanyang noon g sa ganoon,siya’y gumising,” ani ni Ina.
            Ginawa ko ang bilin ni ina at di naglaon ay parang may mainit na bumabalot sa aking katawan. Yinayakap pala ako ni ama’t ina.
            Mula noon ay nagpaalam na ako kay Jyno at ng kanyang pamilya, sa lahat ng naging parte ng buhay ko sa mundo ng mga tao at lalong-lalo na sa Private Room 21. Ang kwartong nagkupkop sa aking mga magulang at inalagaan ang kanilang tunay na pagmamahalan at higit sa lahat ita ang lugar kung saan nabuo ang inaasam-asam kong pamilya.
            Bumalik ako sa bundok Olympus kasama ng aking matagumpay na misyon.

Wakas