Wednesday, April 7, 2010

Asul na Pakpak

ni: Hazel Joy Corpuz

Ang bayan ng Kagebu ay dating isang maganda’t maunlad na bayan. Ito ang pinakamagandang bayan sa mundo ng Zuproc,kung saan ang kanilang Diyos ay si Asclepius. Ngunit si Asclepius ay pinatay ni Jupiter, ang diyos ng lahat ng mga diyoses dahil sa iang makasalanan na Gawain sa mga diyos, ang pagbuhay niya sa isang patay na babae. Sa pagkamatay ni Asclepius, ang bayan ng Kagebu ang napili na mamuno sa mundo ng Zuproc dahil sa maunlad ang bayan na ito. Ngunit sa paglipas ng panahon, sinalakay sila ng mga taga ibang bayan, ang bayan ng Shinn. Naiinggit ang mga taga Shinn dahil sa pagkakaloklok ng bayan ng Kagebu bilang mamuno sa kanilang mundo. Ito nga ang naging ugat ng hindi mamatay-matay na digmaan sa pagitan ng bayan ng Kagebu at Shinn. Marami mandirigmang Shinn ang magaling sa paggamit ng mahika at bihasa sila sa paggamit ng iba’t ibang kapangyarihan at kagamitan kaya’t sila’y galante na magtatagumpay sila sa pagwasak sa bayan ng Kagebu na syang taglay lamang ay ang mga makalumang kagamitan tulad ng espada. Maraming mandirigma ang palaging sugatan ngunit naagapan naman agad dahil sa tulong ng isang magandang dilag na si Lezah, na nagtataglay ng kakaibang katangian na magpagaling sa anumang sakit at sugat na sya lamang ang nagtataglay. Palagi niyang kasama ang kanyang kababata na si Alvis, isa ding katulad ni Lezah na nagtataglay ng kakaibang “armor shield” na hindi nasisira ng kahit anong tumama dito. Si alvis rin ay ang pinuno ng mga mandirigmang Kagebu. Palagi siyang ginagamot at inaalagaan ni Lezah kasama ang iba pang mga mandirigma. Dahil sa pag-aalagang nakukuha niya kay Lezah, hindi niya mapigilan ang unti-unting pagkahulog ng kanyang kalooban sa kanya, lingid sa kaalaman ng dalaga.
“Lezah binibini, magpahinga ka muna, isipin mo naman ang iyong sarili. “ sabi ni Alvis kay Lezah.
Ngumiti lamang si Lezah sa kanya.
“Huwag kang mag alala Alvis, ayos lamang ako at ginagawa ko lamang ang tama.” paliwanag ni Lezah.
Buong pusong ginagamot ni Lezah ang mga sugatang mandirigma ng Kagebu. Siya ang nagsisilbing doctor sa kanilang bayan. Araw man o gabi, wala syang ginagawa kundi ang pag gagamot hindi lamang sa mga sugatang mandirigma, maging sa mga kababayan niya na may sakit. Marami na syang napagalingin dahil sa hindi maipaliwanag na katangiang taglay niya. Lingid sa kanilang kaalaman ng mga taong kanyang pinapagaling, may kondisyon palang kapalit na kanyang kinakaharap sa bawat taong kanyang napapagaling. Bawat beses na paggamit niya ng kanyang kapangyarihan, nababawasan ang kanyang sariling buhay depende sa kalala ng kanyang pinapagaling. Ngunit ayos lamang iyon sa kanya basta matulungan at mapagaling niya ang mga may dinaramdam niyang mga kababayan. Hindi niya ipinahahalata ang panghihinang kanyang nararamdam, subalit, ang hindi niya alam, napapansin iyon ni Alvis kaya naisipan niyang kausapin si Lezah ng masinsinan.
“Magtapat ka nga sa akin Lezah, may dinaramdam ka ba?”
hindi umimik si Lezah, kayat hinawakan ni Alvis ang mga kamay ng dalaga.
“Pakiusap,Lezah!!”
Nakita ni Lezah ang pagiging seryoso ni Alvis sa kanyang mga mata kayat ipinagtapat nga niya sa kanya ang epekto ng kanyang panggagamot.
“Itigil mo na ang iyong panggagamot Lezah! Pakiusap!” nag aalalang sabi ni Alvis. “Hayaan mo na lamang na ang mga doctor sa bayan ang gumamot sa amin at sa mga tao ditto sa Kagebu”
“Pero Alvis, ito talaga ang nakatakdang tadhana sa akin. Alam mo na ako ang dahilan kung bakit binuhay ni panginoong Asclepius ang aking Ina!! Kailangang gampanan ko ang naiwan ng aking ama bago siya pinatay ni panginoong Jupiter!!”
“Pero bakit kailangang mabawasan pa ang iyong buhay? Bakit ganito? Bakit ngayon mo lamang ipinagtapat sa akin ito sa tagal na nating magkasama?” natatarantang tanong ni Alvis.
Nginitian ni Lezah si Alvis sabay haplos sa mukha ng binata.
“Maraming salamat sa iyong pag aalala Alvis, magiging ayos lamang ako. Alam kong andyan ka at sinusubaybayan lamang ako ng aking ama sa itaas.”
Sila’y nagsumpaan na sila’y magiging maayos hanggang sa maibalik muli sa ayos ang kanilang mundo na nasira dahil sa digmaan. Kinabukasan, nagpadala ng sulat ang mga taga Shinn na nagsasaad na ito na umano ang magsisilbing pinakamatinding laban na mararamdaman ng mga taga Kagebu. Nag aalala ang mga tao sa bayan sa maaring magiging kahihinatnan ng digmaan. Tinipon lahat ni Alvis ang kanyang mga mandirigma.
“Kaya natin ito! Mabuhay ang Kagebu!!” sigaw ng mga mandirigma sa kanilang pagtitipon-tipon.
“Pakibigay na lamang kay Lezah ang sulat na ito mula sa akin.” Sabi ni Alvis sa isa nyang kasamahan na naiwan bago sila lumakad.
Nang dumating na si Lezah para gamutin ang mga bagong sugatan na mga mandirigma ay nakaalis na sina Alvis.
“Naka alis na po sila.” sabi ng isa sa mga tumutulong sa kanya sa pag gagamot.
Bigla nalang nakaramdam ng kaba at takot sa dibdib si Lezah. Hindi nya alam kung bakit.
“Nga po pala, binibining Lezah, nag iwan po si ginoong Alvis ng sulat para sa inyo.” Agad na kinuha ito ni Lezah at binasa nito ang linalaman ng sulat.
“Lezah,oh aking prinsesa na bumihag sa aking puso’t kaluluwa, maaring ito na ang huling sulat ko para sayo. Ito na ang pinakamatinding laban na aking pupuntahan. Hindi ko masisigurado ang maaring mangyari sa laban na ito. Tanging pakiusap ko lamang sayo, alagaan mo ang iyong sarili. Huwag mong pabayaan ang iyong katawan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para panatilihing ligtas ang aking mga kapwa mandirigma gamit ang “armor shield na ginawa pa ni panginoong Hephaestus. Hinding hindi ko hahayaan na mabawasan ang aking mga kasama o kaya’y masugatan ng malala dahil sa alam ko na buhay mo na naman ang isasakripisyo mo. Lezah, hindi ko kayang nakikita kita na nahihirapan dahil, mas matindi pa ang sakit na aking nararamdam sa hirap na iyong dinaranas. Gusto kong makasama pa kita ng matagal ngunit sadyang ganito ang tadhana, may kanya-kanya tayong kailangang gampanan. Mahal kita Lezah. Paalam”
Naiyak si Lezah sa laman ng sulat ni Alvis. Hindi niya mapigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata, ngunit pinunas niya ito at inisip nya ang maraming nangangailangan ng kanyang tulong. Ginamot niya lahat ng mga bagong sugatan at sila’y gumaling. Habang siya’y nang gagamot ay nakaramdam siya ng kunting panghihina.
“Hindi ko maaring ipakita aking kahinaan sa kanila! Marami pang nangangailangan ng aking tulong.” Tuon niya sa kanyang sarili.
Habang siya’y nang gagamot, may ilang mga mandirigma ang iniuuwi nilang sugatan.
“Malalakas talaga sila!!” sabi ng isa.
“Oo, pero pasalamat tayo kay ginoong Alvis dahil ginagawa niya lahat ng kanyang makakaya para hindi tayo tamaan ng kabila” sabi naman ng isa.
Lubos na ang pag aalala ni Lezah kay Alvis. Sa gitna ng labanan, marami nang pinsala ang nangyayari.
“Huwag kayong mag alala mga kasama! Alam kong tayo ang magwawagi!” sigaw ni Alvis na sumasangga sa mga inihahagis ng mga taga Shinn.
Apoy, malalakas na hangin at malalakas na mga mandirigma ang kanilang kinakaharap. Tira lamang ng tira ang mga kalaban ngunit hindi gumagawa ng kilos ang mga taga Kagebu. Sa palaging pagtira ng kalaban, unti-unti silang nanghina, at sa panghihinang yaon ng kalaban kumuha ng bwelo sina Alvis. Itinira nila sa mga kalaban ang maraming mga pana at sumugod sa kinalalagyan ng kalaban. Maraming mga taga Shinn ang natamaan at naubusan ng kapangyarihan hanggang, espada sa espada na ang naging laban. Maraming mga nasugatan ngunit ginagawa ni Alvis ang lahat para mapanatili na walang mababawas sa kaniyang mga mandirigma. Pakatapos ng malaking laban na ito, natalo ang mga taga Shinn. Mraming namatay na mga taga Shinn kaya’t tuluyan na silang sumuko at tinanggap ang katotohanan na hindi nila kailanmang matatalo ang Kagebu.
“Mabuhay ang Kagebu!!” sigaw ng mga mandirigmang Kagebu.
Mabilis na naihatid ang balita sa bayan at nagkakasiyahan na sila. Nang makarating ang balita kay Lezah, agad itong tumakbo papunta sa lugar kung saan naganap ang huling digmaan kasama ang taong bayan. Nakita nila ang mga mandirigma na nagsasaya at ang mga kalaban na nakahimlay sa lupa. Papalapit na si Lezah kung nasaan si Alvis ng biglang may sumigaw.
“Ginoong Alvis!!!!!!!”
Nagulat na lang si Lezah nang makita niya na may nakatusok na espada sa dibdib ni Alvis. Tinusok siya ng isa sa kanilang kalaban bago ito matuluyan. Tumakbo agad si Lezah papunta sa direksyon kung nasaan si Alvis. Inakap niya ito at napaluhod silang dalawa sa lupa. Dahang-dahang tinanggal ni Lezah ang espada na nakatusok kay Alvis.
“Alvis, magpakatatag ka, pagagalingin ko ang iyong sugat!!” sabi ni Lezah habang siya’y umiiyak.
Ngumiti si Alvis at pinigilan si Lezah.
“ Huwag!! Hanggang dito na lamang ako Lezah.” nahihirapang sabi ni Alvis habang dumadaloy ang maraming dugo mula sa kanyang katawan.
“Ngunit Alvis.. paano na ang pangako natin sa isat-isa?” umiiyak na sabi ni Lezah at hinigpitan ang akap kay Alvis.
Tinanggal ni Alvis ang pagkakaakap ni Lezah sa kanya at unti unting hinawakan ang mukha ni Lezah. Hahalikan niya sana siya ngunit hindi na niya kaya.
“Hindi ko na kailan mang mababanggit pa ang iyong pangalan. Paalam, ma..hal… ki…ta.. .Le…za..a..a.h” at nabawian na ng buhay si Alvis.
Lubos ang pag iyak ni Lezah habang akap-akap parin ang duguang katawan ni Alvis.
“Mahal kita Alvis!!”
Awang awa sa kanya ang mga kababayan nila na nag iiyakan na din sa nangyayari. Nagulat nalang sila ng biglang may pumalibot na napakagandang ilaw sa kanilang dalawa. Tumayo siya Lezah habang unti-unti siyang inilulutang ng ilaw na pumapalibot sa kanya. Humarap siya sa mga tao at ngumiti.
“Magiging maayos rin ang lahat,huwag kayong mag-alala. Paalam at salamat!!”
Tumingin siya sa kalangitan at pumikit.
“Hinihiling ko saiyo oh! Aking amang Aclepius, kunin mo ang aking buhay kapalit ng pagbabalik mo sa dating kaayusan sa bayan ng Kagebu at pagalingin lahat ng mga sugatan!!”
Biglang tumubo ang napakagandang pakpak sa kanyang likuran na siyang nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Unti-unting ikinulong si Lezah ang kanyang sarili sa maasul-asul na pakpak nito.Napalibutan ito ng napakaliwanag na ilaw na syang sumilaw sa mga tao Nang imulat nila ang kanilang mga mata, nsghuhulugan ang mga asul na balahibo mula sa pakpak ni Lezah na bigla nalang nawala. Tinignan nila ang paligid at ang lahat ay bumalik na sa dati nitong kaayusan at ang mga sugatan ay gumaling. Maraming humanga sa magkasintahan at kanilang pinaniwalaan na ang dalawa’y nasa magandang lugar na at nagsasama nang masaya at ginagabayan ang bayan ng Kagebu.

*****WAKAS*****

No comments:

Post a Comment