Tuesday, April 6, 2010

Hardin ni Sereena

ni Kayla Janica G. Ruiz

Alapaap ang siyang natatanging nating nakakapitan kapag tayo ay nag-aasam na makamtan ang ating mga hangarin sa buhay hangang sa tayo’y mauntod sa mga pasakit ng katotohanan. Mabuti’t may kasarinlan kung kaya’t tayo ay napapaligaya ng ating saliring pananaw.
Kung mahika ang pagbabasehan marami na sanang nabagong buhay, may napaginhawa at may nailigtas sa kasamaan. Ngunit kapag ang kapalaran na ang nagbiro siguradong di na tayo makakaiwas sa panibagong serye na tatamasan ng ating buhay. Kailangan ng mabisang sandata sa pagtuklas ng ating lihim na pagkatao.
Di matigil ang pagtakbo ng isang dalaga, bakas sa mukha ang galak sa pagpitas ng mga napakahalimuyak na bulalak na kanyang tanim. Pinagmamasda mo pa lang si Sereena, kariktan ang tiyak mangingibabaw. Bukod sa maamo niyang mukha ay taglay niya ang busilak na kalooban. Namumukod tangi siya sa bayan ng Ereo. Nakagisnan niyang alagaan ang kalikasan dahil sa turo ito ng kanyang ina. Ang kangyang inang nabigyang kaalaman ng pagmamahal sa nga namumukadkad sa kagandahang mga rosas. Dito sa munting hardin niya ibinihos ang kanyang mga oras, tulad ng mga sandaling siya ay nakakamit ng mga pasakit. Sa liblib na lugar matatagpuan ang kanyang hardin ang bunga ng kanyang emosyon.
Gabi na nang matapos ang trabaho ni Rufus sa barangay, kilala siya bilang kagalang-galang na kapitan. Ang kanilang pamilya ay tinuturing na mabuting ehemplo ng mga taong bayan.
Sa di inaasahan, isang lingo ay napapadalas ang pagdalaw niya sa hardin. Sunod-sunod ito dahil sa nais niyang maibsan ang kalungkutang kanyang tinatamasan. Nais niyang takasan ang mga sabi-sabi sa kanila. “Malanding babae” kung ituring ng mga kapitbahay. Taasan ng kilay ang kanyang mga kamag-aral sa tuwing daraan siya sa mga pasilyo.
Hindi man totoo, ginusto parin niyang isiwalat ang katotohanang hindi siya nagdadalang tao na bukambibig sa kanila. “Inay, itay nararapat lamang po na sa akin mangaling ito” ang wika ni Sereena. “Sigurado po akong hindi ako butis. Nais nila akong siraan dahil inaasam kong ako ang mangunguna sa aming klase ngayong taong ako’y magtatapos. Kailan man hindi po ako gagawa ng ikasisiran ng inyong pangalan.”
Ni minsa’y hindi sumagi sa isipan ng mag-asawang Rufus at Yara na totoo ang mga balita. Subalit hindi naging madaling maunawaan nina Mindy at Blaire, pinakamatalik na kaibigan ni Sereena. Pag-iwas ang natanggap niya sa kanila dahil sa kahihiyang kanilang aabutin. Ang buhay nga nama’y di sukat akalaing ang mga taong malapit ang siyang unang tatalikod. Sa isang tabi, naroon si Penn punong patnugot sa kanilang paaralan, tanging estudyanteng buo ang paniniwala sa kanya, di lamang ng ito pansin ni Sereena.
Panay ang pagbuhos ng luha si Sereena sa kanyang hardin. Umupo siya sa ilalim ng matibay na puno, bawat pagtulo ng kanyang luha ay sinabayan ng unti-unting paglakas ng hangin na siyang ikinagulat niya. Ang kanyang mga luha ay pinahid ng napalakas na hangin. Tanging pagkagulat ang makikita sa dalaga na lalong tumindi nang nagdilim ang kalangitan at nagbagsak ng ulan. Biglang naglaho ang kanyang mga kamay at sinundan ng kanyang mga paa hangang sa buong katawan na ang tuluyang naglaho. Sa mga sandaling iyon ay nais ng kalikasang ipaabot sa kanya ang kapalit ng kabutihang ipinamalas niya sa kanila.
Nang tumigil ang ulan muling nagbalik sa kanyang tunay na katauhan ang dalaga. Bawat hakbang niya ay may kaakibat na pangamba, hiwaga ang siyang naging laman ng kanyang isipan. Sa daang pauwi, may nakita siyang isang punong nakakatawag pansin, marahil sa liwanag nitong taglay. Nakaukit sa puno ang mga katagang, “Sa aking kamay ang kaligtasan ng lahat”. Binigkas ni Sereena ang mga katagang iyon na sinabayan ng matinding pagkulog at kidlat.
Bukod sa eskandalong kanyang kinasasangkutan, usap-usapan rin ang talamak na bentahang ng ipinagbabawal na gamot. Sa pagsisiyasat ng mga pulis napag-alamang ang sindikato ay nakatago sa kanilang barangay ngunit hindi parin matukoy kung sino ito.
Sa mga nagdaang araw, naramdaman ni Sereena na naging matalas ang kanyang pandinig. Ipinag sa walang bahala niya ang pangyayari sa hardin sa halip ay pinagtuunang pansin ang pagpasok niya muli sa kanilang paaralan na may matibay na kalooban. Lalo siyang naging malapit sa ama’t ina upang iwasang mapadpad sa hadrin. Mag-isa siyang umuuwi sa kanilang bahay nagmula noon. Tanggap na niyang wala na siyang kaibingang babalikan pa ngunit lihis sa kanyang kaalaman ay may isang lalaking umaapaw ang paghanga sa kanya, si Penn na palaging sumusunod sa galaw niya.
Biglang nakadama ng masama si Sereena, dinig niya ang mga boses ng grupo ng kalalakihan na di masilayan sa paligid. Dumolog sa kanyang isip ang isang senaryo na sa isang lumang bodega ang tagpuan. Hinanap niya ito gamit ang sariling konsentrasyong makakita ng mga pangyayaring may kinalaman sa kanyang hinaing. Natagpuan niya ang lugar na iyon na sa di malayuan ay nakabuntot parin si Penn. Narating ni Sereena ang lumang bodega at nasilayan ang mga kalalakihang nag-iinuman at nagrerepake ng droga. “Ito na marahil ang si nasabi ng mga pulis na nagbebenta ng droga,”ang pagtataka ng dalaga. Sa pintuaang kanyang sinasandalan ay biglang bumigay dahil sa karukupan. Narinig ito ng mga kalalakihan at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Unti-unting lumapit ang isang lalaki kay Sereena na napakasama ng titig, nanginginig ang dalaga dala ng matinding takot at nerbiyos. Subalit binalot siya ng pagtataka nang iwasan siya ng lalaki. Doon niya napag-alaman naglaho na naman ang kanyang buong katawan. Kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon inisa-isa ni Sereena ang pangugulpi sa mga kalalakihan at nagbitiw ng pambihirang lakas sa bawat suntok na maging siya ay di makapaniwala sa kanyang nagagawa. Takang-taka si Penn sa isa-isang paghihimlay ng mga lalaki. Pinagpatuloy niyang hanapin si Sereena upang itoy iligtas ngunit nabigo siya sa paghahanap. Sa ikalawang palapag ng bodega may lalaking napakahimbing ng nakatulog, kinuha ni Sereena ang bote ng alak at hinampas sa ulo ng ginoo.
“Ah-h!,” hiyaw ng dalaga. Narating ni Penn ang kinaroroonan ni Sereena dahil sa kanyang tili. Ang ama ni Sereena ang lalaking nakasuot ng takip sa mukha. Ilinabas ni Penn ang kanyang kamera at pinagkukunan ng letrato ang tagpong iyon habang unti-unting nagpalit ng kaanyuan si Sereena, “Ikaw nga! Tunay kang dakila, ikaw ang dahilan kung bakit nasugpo ang krimeng ito, Sereena,” pagkagalak ni Penn.
Tumakbo ang dalaga sa kaguluhan ng kanyang isip, galit, pighati at pagsisisi ang namuhay sa kaiboturan ng kanyang puso. Isang umangang puno ng pag-asa sa bawat residente ng Ereo maliban na lamang kay Sereena na ayaw nang imulat pa ang mga mata. Matunog ang pangalang “IviSereena”, sa diyaryo lantad ang lawarawan ni Sereenang pagpalit ng anyo, pinaheadline ang balita tungol sa pagresolba niya ng droga nakinasangkutan ni kapitan Rufus. Sa itinuturing nilang panibagong tagapagligtas ngayon ay kampante na ang bawat-isa sa kanila na mamuhay ng malayo sa kapahamakan.
Haplos ang nadama ni Sereena, nasilayan niya sa pagkagising ang inang napaluha at mahigpit na niyakap. “Alam ko kung gaano kahirap iyon anak, hindi mo sinasadya ang mga pangyayari,” ang malambing na kalinga ni Yara. Pinahid ang luha ng anak ay siyang nagpalit anyo, ang diyosa ng kalikasan si Demeter.
“Ikaw ang aking ina? Ngunit papaano, paano iyon nangyari?,” pagkalito ng dalaga. Si Yara at Demeter ay iisa. Ang pagpapaliwanag ni Demeter, “O aking anak, nararapat lamang na sa iyo ko ibabahagi ang aking kapangyarihan sapagkat simula’t sa pa’y alam kong isa kang tagapagligtas at babaeng mabuti ang saloobin. Ang iyong ama ay isa lamang instrumento ng hiwaga kaya’t bumangon ka, hinihintay ka ng mga tao sa lipunan.”
Isang diyosa ang nag-iwan sa ank upang pagsibihan ang sanlibutan at doo’y nagpatuloy ang misyon ni Sereena sa mondo ng mga mortal.

No comments:

Post a Comment