Wednesday, April 7, 2010

TAYOG :Ni Jurelie Nikki V. Aguino

Sa kasagsagan ng ginhawa at saya, namumukadkad ang Debrosia sa masaganang pamumuhay. Bagaman ito ang pinakamaliit na nayon sa isla ng Handan, hindi ito nagpapahuli sa salik ng kapayapaan at pag-unlad. Sa nagdaang panahon ng karimlan, ito’y pilit bumangon sa dagok ng buhay.Ito’y dahil sa tulong ng iba’t ibang Diyos at Diyosa na nagagalak sa pinapakitang paniniwala ng mga tao sa kanila.
Ang mga dakilang bundok na pumapalibot dito’y nagsilbing pinakamalakas nilang tagapaglitas, pati ang ilog Katlantis na bumubuhay sa agrikulturang pamumuhay ng mga tao. Lahat ng ito’y gantimpala ni Demeter, Diyos ng Agrikultura, sa kanilang masidhing pagsisikap.
Ang nayon ay napaka-ayos, nasa mismong sentro nito ang munti nilang palasyo. Sa kanluran nito’y ang pook pagawaan, sa silangan ay ang pamilihan ng nayon at sa tabi nito’y ang malaking dambana kung nagaganap lahat ng pagdiriwang at pagtitipon. Sa likuran ng palasyo ay nandoon ang pook sambahan ng maharlika’t ng publiko sa iba’t ibang Diyos at Diyosa na naniniwala sa kanilang kakayahan.
Nagiging inspirasyon ng mga tao ang mabuting pamamalakad ng kanilang butihing haring si Panteleon at Reyna Hadjana. Lahat ay kuntento at walang angal sa lubos-lubos na kagandahang loob na pinapakita nila sa lahat ng mamamayan, anuman ang katayuan sa buhay.
“Mga butihing mamamayan ng Debrosia, magkakaroon tayo ng kasiyahan mamayang gabi!Ako ay humingi ng sampung barel ng alak kay Dionysius, ang Diyos ng Alak, bilang kontribusyon niya sa pagiging produktibo ng ating nayon!”, sigaw ng hari sa mga manggagawa na abalang-abala sa pook pagawaan ng nayon.
Lahat ng nakarinig ay nagalak at nagsigawan sa isa na namang butil ng kabutihan ng hari.
Kinagabihan ay mapayapang naganap ang kasiyahan sa malaking dambana. Napapalamutian ang dambana ng makukulay na bulaklak, makikitaan ng saya ang bawat mukha. Sa malaking pintuan ng dambana ay bumungad ang hari’t reyna kasama ang kanilang dalawang anak. Ang babaing lubos na hinahangaan dahil sa kakaibang taglay na kariktan ay si Grandiosa. Siya ay bunso ng mag-asawa, napakaganda nito na dahilan kung bakit marami nang lalaki ang napadpad sa kanilang lugar upang silayan ang kanyang natatanging ganda. Siya din ang dahilan kung bakit kilalang-kilala ang hari’t reyna. Ang isa naman ay si Keidia, hindi siya kasing ganda ni Grandiosa ngunit siya ay may karunungang walang makakatalo.
Lahat ay maganda sa hari’t reyna, ang tanging hindi katanggap-tanggap sa kanila ay mas gusto nila ang kanilang bunsong anak, si Grandiosa, kaysa kay Keidia. Ito ang tanging kinalulungkot ni Keidia. Lahat ay binibigay nila kay Grandiosa, anumang luho ang hingin nito. Ngunit kung si Keidia ang magmungkahi ay may limitasyon, Gayunpaman, nanatiling mabuti si Keida sa ama’t ina.
Isang araw, habang maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan dulot ng kooperasyon ni Phoebus, Diyos ng liwanag, at ni Hera, ang Diyosa ng langit, ay nagmuni-muni si Keidia sa malawak nilang hardin. Napagisip-isip nito na lumayo upang mas palawakin pa ang kanyang talino upang pantayan ang natatanging ganda ng kaniyang kapatid. Kinagabihan ay humayo na si Keidia, habang ang lahat ay tulog at tanging nag mga guwardiya lang ang gising. Kanyang sinabi sa guwardiya na kunin ang susi ng silid aklatan dahil nais niyang magbasa. Agad naman itong sinunod ng guwardiya, nang makaalis ang guwardiya sa lagusan ay bilis itong pumuslit palabas at pumunta sa kanyang kabayo. Mabilis na pinatakboni Keidia ang kabayo at baka bumalik na ang guwardiya at masaksihan ang kanyang pagtakas.
Malayo na ang narating niya at wala siyang kaalam-alam kung nasaan na siya. Siya ay nasa gitna ng gubat Masadetse, ang nakakatakot na kanlungan ng mababangis na hayop. Sumigaw si Keidia, nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Nakaramdam siya ng takot nang walang sumasagot sa kanya. Biglang may nagpakita sa kanyang harapan na lubos niyang kinagulat at huminga ng malalim ng kanya itong namukhaan.
“Artemis, Diyisa ng buwan at pangangaso, ako ay nagagalak na ako’y inyong narinig!” bigkas ni Keidia ng may pagalang.
“Oh, Keidia! Ano ang iyong sadya sa gubat na ito sa kalagitnaan ng gabi?” malahimig niyang sagot.
“Ako ay naligaw, nais ko sanang magpakalayo at palawakin ang aking karunungan dahil sa palagay ko ay mayroong isang bagay akong hindi nalalaman!”
“Halika’t may nayon na malapit dito. Marahil nandun ang hinahanap mo, Prinsesa!”
Sa taglay na lakas at bilis ni Artemis ay wala pang isang iglap ay narating na nila ang nayon ng Ferusia.
Mabilis na tumakbo ang oras at muling sumikat ang liwanag ng buhay. Maagang bumangon si Keidia, natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang malaking palasyo. Sa paglabas niya sa kuwartong tinulugan ay may lalaking makisig at matipuno ang pangangatawan ang ngumiti sa kanya.
“Magandang umaga, Prinsesa! Ika’y naa aming bahay, dinala ka ni Artemis dito ang aming dakilang tagapagligtas sa mga mababangis na hayop na sumasalakay.” Agad na pabungad ng lalaki.
“Maraming salamat, maari ko bang malaman kung sino ka?” naninibagong tono ni Keidia.
“Ako ang anak ni Zeus at Atheana. Ako si Vorenus, ang iyong tagahanga!” mahalumanay na pagpapakilala ng ginoo.
“Maraming salamat sa kabutihan niyo, at ako ay babalik na sa aking kaharian dahil nagaalala na ang aking ama’t ina,” sambit ni Keidia kahit alam niyang ayaw pa niyang umalis dahil sa pag-aakalang natagpuan na niya ang nais niyang malaman. Tumibok ang kanyanng puso at nagalak ng tunay sa nararamdaman.
“ Nais ko sanang humingi ng pabor sa iyo binibini?” ngiti ni Vorenus.
Hiningi nito na lumabas sila kahit maghapon lamang upang sila ay mas lubos pang magkakilala. Pumayag naman si Kiedia sa hinihingi ng ginoo. Masaya ang maghapon ng dalawa puno ng tawa at kilig ang kanilang mga puso.
Ipinagtapat ni Vorenus ang totoong nararamdaman kay Keidia, dahil sa labis din ang nararamdaman ng prinsesa ay pumayag naman ito na maging kasintahan niya.
Bago lumubog ang araw ay nagtungo si Vorenus sa kanyang ama habang abala sa pagpitas ng bulaklak si Keidia.
“Dakilang Zeus, aking ama, ang Diyos ng langit, ako ay nahumaling kay Keidia ang anak ni Haring Panteleon at Reyna Hadjana. Nais ko po sana bago siya lumisan ay mabigagyan ko siya ng kapangyarihang lumipad bilang tanda ng aking pagmamahal!” yuko ni Vorenus sa ama.
“Kung iyan nag nais ng aking butihing anak, ika’y aking pagbibigyan. Ibigay mo ang kwintas na ito sa kanya. Habang suot niya ang kwintas na ito at binigkas nag lipad siya ay lilipad ayon sa kanyang kagustuhang tayog!” sambit ni Zeus sapagkat ngayon niya lang nakita ang anak na ganun kasiya.
Abot langit ang saya niya na umalis sa palasyo ng ama. Bilis itong nagtungo sa kinalalagyan ni Keidia.
“Keidia, aking mahal, hawak ko ang kwintas ng katayugan! Kapag isinout mo ito at binigkas mo ang lipad, ika’y makakalipad aking sinta. Ito ang simbolo ng aking pagmamahal sa iyo!”
Natuwa si Keidia dito kaya’t inimbitahan niya ito sa kanilang kaharian. Mabilis nilang narating ang kanilang nayon dahil sa bagong kapangyarihan ni Keidia. Ngunit nabigla si Keidia ng madatnan niyang binabaha ang kanilang nayon. Puno ng sigawan at iyak ang paligid. Noong siya ay nasa malayo ay naging malabis ang mga tao kung kaya’t nagalit ang mga Diyos sa kanila. Umapaw ang ilog Katlantis, nagmistulang lawa ang paligid, marami ang namatay. Iniwan ni Keidia ang kasintahan sa toktuk ng bundok. At bumalik upang hanapin ang kanyang pamilya. Habang nasa himpapawid si Keida ay parang nadudurog ang kanyang pagkatao sa nakikita, agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang. May sumigaw sa kanya at alam niyang boses iyon ng kanyang ama.
“Keidia, tulungan mo kami aking anak!” hinagpis ng hari.
Bilis na kinuha ni Keidia ang kanyang pamilya na inaanud na ng tubig at nilagay ito sa kinalalagyan din ng kasintahan.
“Mahal na ama’t ina ito po si Vorenus ang aking kasintahan ang anak ni Zeus na nagbigay sakin ng kakayahang lumipad!” pagpapakilala nito.
“Ako’y nagagalak ika’y nagbalik, simula noong ika’y nawala sinisi kami ng mga tao at sila’y nagpakatiwakal na kinagalit naman ng mga Diyos. Vorenus, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanya!” hagkan ng hari kay Keidia.
“Oh!Aking Keidia! Saan ka nagtungo? Kami’y iyong pagpaumanhinan sa nagawa naming kasalanan sa iyo,” nag-aalala paring sambit ng kanyang ina.
“Aking kapatid, patawad! Ako’y lubos na nagagalak sa iyong natagpuan!” ngiti ni Grandiosa kay Keidia at Veronus.
Sa pamamagitan ng kagandahang loob at pagkakaisa, walang imposible kinabukasan!
“LIPAD!”

No comments:

Post a Comment