Tuesday, March 16, 2010

FUJICK READER

sa panulat ni : MAEJEL M. MARTINEZ



FUJICK READER

Ang ating buhay ay puno ng mga pagsubok. Pagsubok na halos ikamatay natin sa kahahanap ng solusyon. Pagsubok na ating hinaharap kahit na tayo’y nahihirapan na. sa kabila ng mga ito tayo’y pinagpala pa rin sa hamon ng buhay.
Ako si Fujick o ang sunasabi nilang “future reader”. Nakikita ko ang mga mangyayari pa lamang sa hinaharap. Nabibigyan ko ng solusyon ang mga problemang dumarating sa buhay ng isang tao. Nakikita ko ang mga masasamang pangitain ng mga masasamang tao at natutulungan ko silang magbago. sa kabila ng mga ito, ako'y pinagpala at mayroon akong taglay na kapangyarihan na tulad nito. ngunit ito'y isang mabigat at napakalaking responsibilidad at obligasyon.
Bukod tangi akong pinagpala sapagkat ang taglay kong kapangyarihan ay ibinigay ng Diyosa ng Kaalaman at Karunungan. taos puso ko itong tinanggap sapagkat nakakatulong ako sa aking kapwa tao.
Isang araw kami ay sumakay sa isang barko pauntang Cebu. Gaganapin ang isang Seminar doon. At sinamantala namin ang pagkakataon. Masayang-masaya kami. Napakalaki ang barko at napakarami ang sumakay dito. Nakisama din kaming nakisaya. Kain kami ng kain hanggang sa kami'y aliwin ng tulog. Nakatulog ako pero ang aking isipan ay gising na gising. At bigla na lang na may nakita ako sa aking isipan na may mga taong humihingi ng tulong. Napakarami nila. Tiningnan kong mabuti. Nakita ko din ang aking mga kasama. Nalulunod ang sinasakyan naming barko!Nagising ako at nakita kong himbing na himbing ang tulog ng aking mga kasama. Lumabas ako ng kuwarto. Pinuntahan ko ang Kapitan ng barko at kinausap ko ito. Ayaw nila akong paniwalaan. Nagmakaawa ako at sinabi ko ang mangayayri. "Mamamatay tayong lahat dito kung ayaw nito akong paniwalaan."paliwanag ko. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Nasisisraan ka na ba ng bait?" sumbat ng Kapitan. "May sira ang sira ang sinasakyan natin at posibleng mawala ito ng kontrol at tuluyan nang lulubog,"paliwang ko sa kanya. Hindi nakaimik at pinagpawisan ang Kapitan at ito'y napaluha. "Paano mo nalaman na ito'y may sira?" tanong pa rin ng Kapitan. "Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang lahat," sagot ko. Nagplano kami. Madaling oras na ito ng gabi at napakatahimik ang paligid. Tumawag kami ng mga Rescue Team at ipinaliwanag ko ang lahat. Ginising namin ang mga tao at sinabi ko ang posibleng mangyayari. At agad naman silang pumayag. Inilipat namin sila sa kabilang barko at ito'y naging madalian sa kooperasyon ng bawat isa. Eksaktong alas dose ng tanghali ay unti-unting lumubog ang barko. Nag-iiyakan ang mga tao. At halos hindi nila kalain ang lahat. "Salamat sa iyo, Fujick Reader,"sabi ng Kapitan. "Tungkulin ko pong tumulong sa mga nangangailangan,"sagot ko. Nagpalakpakan ang mga tao at nakita ko ang saya at takot nilang nadarama sa kanilng mga mukha. Nagpasalamt silang lahat at buong puso kong tinanggap.
Ang makatulong sa kapwa ay isang napakalaking karangalan. Ang saya-saya ng damdamin kung ikaw ay nakakatulong sa kapwa tao. Ang kapangyarihang taglay ay dapat gamitin ito sa mabuting paraan upang makatulong sa kapwa at huwag ipagyabang o gamitin sa masamang paraan. Ito'y isang napakalaking bagay na tulong para sa atin.

No comments:

Post a Comment