Monday, March 15, 2010

Pinalayang Pag-iibigan

sa panulat ni Charmaine Joy Baltazar


                Sa isang liblib na lugar na hindi mo aakalaing may nakatayong matayog at magandang palasyo. Pinamumunuan ito ni Haring Ante, guwapo at matipunong lalaki at ni Reyna Laura na kabaliktaran naman ng hari sa pisikal na kaanyuan ngunit maganda naman ang kalooban. Mayroon silang nag-iisang anak, si Prinsesa Flor, ubod ito ng ganda at talagang makikita kung kanino ito nagmana at maganda rin ang kalooban nito na kagaya ng kanyang mga magulang.
                Halos araw-araw ay maraming nakapilang kalalakihan sa labas ng palasyo, mapahari, prinsepe, diyos at ordinaryong kalalakihan para handogan siya ng mga regalo. Ngunit ni isa man sa kanila ay wala siyang magustuhan kahit ibigay nila lahat ang kanyang naisin.
                Isang araw, gaya ng dati marami pa ring nakapilang mga kalalakihan. At si Reyna Laura ang nag-aasikaso sa kanila saka ipinatawag sa mga katulong si Prinsesa flor.
                Kumatok ang mga katulong sa silid ng Prinsesa na inutusan ng Reyna para tawagin ang Prinsesa. Nang buksan nila ito ay natunghayan nilang hindi nag-iisa sa silid ang kanilang hinahanap, kasama nito ang Hari at sila’y nag-uusap.
                “Paumanhin pos a istorbo mahal na prinsesa, marami pong nakapilang mga kalalakihan sa labas at pinatatawag ho kayo ng mahal na Reyna,” ani ng isang may katabahang katulong.
                “sabihin niyo ho sa kanila na ayoko silang paasahin dahil mabibigo lang sila at pakisabi pong huwag na silang babalik ulit,” magalang na turan ng prinsesa sa kausap na katulong.
                Mataman naming nakikinig ang Hari at ngingiti-ngiti.
                “Opo, mahal na prinsesa,” ani ng katulong.
                Akmang aalis na sila nang magsalita ang hari.
                “At sabihin niyong may minamahal na siya,” sabi nito saka ngumiti
                Nabigla man ang mga katulong sa inasal ng hari at alam nilang wala pang sinasagot ang prinsesa sa mga manliligaw niya kaya tumango na lang sila at lumabas sa silid.
                Muling nagkatinginan ang hari at prinsesa at saka nag-ngitian.
                Ipinaalam ng mga katulong sa reyna ang sinabi ng prinsesa at pati na rin ang kakaibang ikinilos ng dalawa. Nakahalata man ang reyna dahil alam niyang hindi malapit sa isa’t isa ang mag-ama, ngayon lang na may mga kalalakihang dumadalaw sa prinsesa ay sinabi niya sa mga kalalakihan sa labas ng palasyo ang ipinarating ng prinsesa sa mga katulong.
                “Ang pinasasabi ng mahal nating prinsesa ay ayaw niya kayong paasahin at wala na kayong pag-asang mapaibig ang kanyang puso dahil may minamahal na siya,” sabi ng reyna na makikitang matamlay ito at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
                “Sino?” halos sabay-sabay na tanong ng mga kalalakihan.
                “Sino ang mapalad na nakakuha sa matamis na oo ng prinsesa?” lakas-loob na tanong nang nagpapanggap na manliligaw ni Prinsesa Flor, si Haring Binol, nakita niya kasi ang pag-iiba ng ekspresyon ng reyna. Nagpapanggap na manliligaw ni Prinsesa Flor si Haring Binol para laging makita at mapalapit ito kay Reyna Laura na siyang lihim nitong iniibig.
                “Iyon ang hindi ko pa alam,” kibit-balikat na sagot ng reyna.
                May makikitang kalungkutan sa mukha ng mga kalalakihan habang nililisan nila ang lugar maliban kay Haring Binol na may pagtataka sa mukha.
                Palaging magkasama si Haring Ante at Prinsesa FLor na namamasyal kung saan-saan na lingid sa kaalaman ng lahat maliban kay Haring Binol dahil palagi niya silang sinusubaybayan gamit ang kanyang kapangyarihan na nagmumula sa kapa na binigay ng kanyang ama, hindi siya nila nakikita o nararamdaman.
                Isang araw, napagdesisyunan ni Haring Binol na ipaalam na kay Reyna Laura ang pag-iibigan ng dalawa at maaaring ito na rin ang pagkakataong mapasakanya ang reyna, kaya sinadya niya ito sa palasyo.
                “Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Haring Binol?” nakangiting tanong ni Reyna Laura nang madatnang nakaupo sa sala ng palasyo ang hari.
                “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy mahal na Reynang Laura nais kitang bigyan ng aking kapangyarihan na maging inbisibol para masaksihan mo ang kataksilang nangyayari tuwing hatinggabi sa inyong palasyo,” diretsang turan ni Haring Binol.
                “Ano ang pinagsasabi mo Haring Binol?” maang tanong ng reyna.
                “Alam kong hindi totoo ang nangyaring kasal niyo ni Haring Ante dahil hindi ka niya kayang mahalin at napilitan lang kayong magpakasal dahil ipinagkasundo kayo ng mga magulang niyo ngunit ikaw ay minamahal mo si Haring Ante,” mahabang sagot ng hari. “At…” dagdag na sabi ng Hari na binitin ang sasabihin.
                Hindi nakapagsalita sa kabiglaan ang Reyna.
                “At hindi niyo tunay na anak si Flor inampon niyo lang ito sa matandang mag-asawa na nakatira sa gilid ng bundok,” pagtutuloy nito sa ibiniting sasabihin.
                “Bakit mo alam ang lahat ng iyan?” tanong ni Reyna Laura na lalong nabigla dahil apat lamang silang nakakaalam ng katotohanang iyon, si Ante, siya at ang mag-asawang matanda.
                “Alam mo na kaya kong maging inbisibol at matagal na kitang sinusubaybayan mahal kong Laura dahil may may… lihim na akong pag-ibig sa iyo noon pa,” napayuko sa ulong saad ni Haring Binol na tila nahihiya.
                “Paano?” tanong ng reyna.
                “Dahil mabuti ang iyong kalooban,” sagot nito saka ngumiti.
                Hindi ulit nakapagsalita ang reyna at walang katagang gusting lumabas sa bibig nito.
                “Heto kunin mo, para Makita mo ang kataksilan nina Flor at Ante sa iyo tuwing himbing ka sa pagtulog,” pag-iiba ng hari ng topiko saka iniabot nito sa kanya ang kapa.
                “Ngunit… sa isang kondisyon!” saad ng hari saka ngumiti.
                “Kahit ano bilang pasasalamat sahil matagal ko na rin itong napapansin ngunit wala lang akong ebidensya,” mapait na turan ng reyna saka nabuhay ang matagal na niyang kinikimkim na galit sa mga ito.
                “Mapasaakin ka,” lakas-loob na turan ng hari.
                “Naipangako ko noong hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahalan ng dalawa na sandaling mapatunayan ko ito ay palalayain ko sila kahit masakit para sa akin mas ayoko naming pigilin sila at angkinin ang lalaking ni minsan ay hindi ako minahal,” naiiyak na wika ni Reyna Laura.
                Kahit masakit man sa narinig ang hari ay nirespeto na lang niya ang reyna at tinaggap ang kasawian saka nahiling na lang niyang sana baling araw ay mahalin siya ni Reyna Laura.
                Hatinggabi ng araw ding iyon ay nagising ang reyna at nakita nga niya na wala ang hari sa kanyang tabi kaya naisip niyang ngayon na ang tamang panahon upang matapos na ang paghihirap ng kanyang puso. Isinuot nito ang kapa saka pumunta sa hardin, at doon nga nasaksihan nito ang matamis na pagmamahalan ng dalawa.
                “Mas masakit pala kapag ang dalawa kong mga mata ang nakakita na,” bulong nito sa sarili.
                “Ito na nga ang tamang panahon,” dagdag pa nito saka tinanggal ang pagkakatali ng kapa
                “Reyna Laura,” halos magkasabay na sambit ng mag-ama at saka nagkatinginan.
                “Kailan na katagal niyo akong niloloko?” mangiyak-ngiyak na tanong ng reyna.
                Inilabas lahat ng reyna ang kanyang sama ng loob sa dalawa sa pamamagitan nang pagbubulgar sa lahat ng katotohanan ngunit lingid pala sa kaalaman ng Reyna ay matagl nap ala itong alam ng prinsesa kaya malaya silang nag-ibigan ni Haring Ante.
                “Reyna Laura,” sabi ng prinsesa at akmang hahawakan ito sa kamay.
                Ngunit agad na nakaiwas ang reyna na ngayon ay luhaan na at ganoon din ang Haring Ante at Prinsesa Flor.
                “Alam kong hindi ko na kayo mapaghihiwalay pa dahil mahal na mahal niyo na ang isa’t isa kaya nagawa ninyo ito sa akin,” sabi ng Reyna saka nagpakawala ng mapait na ngiti.
                Hindi pa rin makapagsalita ni isa sa mag-ama dahil tila nahihiya sila sa ginawa nila sa reyna.
                “Alam mo naman ang nararamdaman ko sa iyo noon pa, diba, Reyna Laura?” sa wakas nasambit ni Haring Ante.
                “Kaya nga kahit masakit sa akin ay palalayain ko na kayo ngunit bilang parusa sa kataksilang ito ay isinusumpa ko na maging inbisibol kaya at doon ipagpatuloy ang matamis ninyong pag-iibigan at ganoon rin ang kapalaran ng mga magiging anak ninyo.” Mahabang turan ng reyna saka bumalik na sa loob ng palasyo.
                At ganoon ang nangyari sa Haring Ante at Prinsesa Flor, naging inbisibol sila ngunit sa kabila ng sitwasyong iyon ay nagmahalan sila at lalong-lalo na ay wala na sila tinataguan para lang maipadama nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
                Hindi na muling nakita ang mag-ama sa lugar na iyon at wala naman ni isang naglakas ng loob para itanong sa reyna kung anong nangyari kaya bumuo na lang ng kanya-kanyang konklusyon ang mga tao.  

No comments:

Post a Comment