Monday, March 15, 2010

Si Jeliah at Perseus

sa panulat ni Alyssa Andrea Barangay



                Sa kaharian ng Hestina nakatira ang mag-amang sina Zeus at Jeliah. Si Zeus o mas kilala sa tawag na Haring Zeus ang pinakamakapangyarihan sa kanilang kaharian. Ang kanyang anak naman na si Prinsesa Jeliah ang tagapagmana ng trono ng kanyang ama. Ang ina ni Jeliah na si Reyna Hera ay namatay sa panganganak kay Jeliah. Pero kahit ganoon ang nangyari ay lumaking magalang, mabait at maunawain ang prinsesa.
                Isang araw habang dumudungaw ang prinsesa sa kanilang balkonahe ay may nakita itong taong nakahandusay sa loob ng kanilang bakuran. Agad bumaba ang prinsesa para tingnan at tulungan ang nasabing tao. Ipinasok ng mga kawal ang lalake at ginamot ito ng mga katiwala sa palasyo. Halos limang oras na nawalan ng malay ang lalaki ng bigla itong nagising. Ayon sa lalaki galling ito sa isang malayong bayan at siya ay sugatan at nawalan ng malay. Dahil sa mga nangyaring ito pinatuloy muna nina Haring Zeus at Prinsesa Jeliah ang lalaki ng ngangangalang Perseus. Mabilis na lumipas ang araw at kaarawan na ng Prinsesa. Sila ay nagdiwang para sa ika labing walo nitong kaarawan. MAraming mga dumating na panauhin at ang lahat ay masayang Masaya. Nang biglang nahilo ang Prinsesa at may nakitang lalaking magbibigay ng pulang rosas sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang isip ay nakita niya ito. Hindi nagpahalata ang Prinsesa ng hindi nagtagal ay lumapit si Perseus sa kanya at nagbigay ng pulang rosas. Pagkatapos ng piging ay sinabi ng Prinsesa sa kanyang ama na ito na raw marahil ang kanyang kapangyarihan ang kapangyarihang makakita kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang kanyang ama ang may hawak sa kapangyarihan sa mga element ng lupa, tubig, at hangin.
                Isang gabi ay umalis sa kaharian si Perseus at ito ay pumunta sa kweba ng Hatoria dito nakatira ang sakim na si Thea ang kapatid ni Zeus. Si Perseus pala ay walang iba kundi ang kaisaisang anak nito. Si Perseus ay inutusan ni Thea na patayin ang mag-amang Zeus at Jeliah para pumalit sa trono ni Zeus.
                Si Perseus ay inutusan ng kanyang ina na manmanan ang mag-ama. Mabilis na lumipas ang panahon at hindi namalayan nina Perseus at Jeliah na nahuhulog nap ala ang loob nila sa isa’t isa. Boto naman ang ama ni Jeliah kay Perseus dahil sa ipinapakita nitong kabutihang loob sa kanya. Isang araw habang nakaupo sa loob ng kanyang silid si Jeliah ay bigla niyang nakita ang hinahanap. Si Perseus daw ay tatangkaing papatayin ang kanyang ama. Kaya naman agad tumakbo papunta sa silid ng kanyang ama si Jeliah. Ang kanyang ama ay nakahiga habang si Perseus ay nakatayo malapit sa tabi ng kanyang ama. Tinanong ni Jeliah si Perseus kung ano ang gingawa nito sa silid ntg kanyang ama. Sinabi na lamang nitong naroon siya para kausapin sana ang kanyang ama ngunit ito ay tulog na pala at nagpapahinga. Pero ang katotohanan ay naroon ito para patayin si Haring Zeus. Para hindi mahalata ang balak ni Perseus ay umalis na lang ito at siya ay tumungo sa kanyang ina. Dahil sa hindi natuloy na masamang balak ni Perseus nagalit ang kanyang ina. Kaya naman nagdesisyon ang kanyang ina na hindi na muling babalik pa si Perseus sa kaharian nina Prinsesa Jeliah. Nagdesisyon rin si Thea na sa halip na si Perseus ang papatay ay siya na ang gagawa. Kaya naman pagsapit ng hatinggabi ay pumunta na ito sa palasyo. Pumasok ito sa silid ni Haring Zeus at sinabi nitong katapusan na niya. Ngunit noong sasaksakin na sana ni Thea si Zeus ay nagising ito at pinigilan nito ang kamay na may hawak na kutsilyo. Pinag-agawan nila ito at sa di inaasahang pangyayari nasaksak sa tiyan si Haring Zeus at nawalan ng malay. Pagkatapos noon ay nagtungo naman ito sa silid ng Prinsesa. Tinangka rin niyang saksakin ang prinsesa pero nahawakan niya ito. Salamat sa kapangyarihan nitong makakita ng hinaharap. Nag-agawan sila ng biglang dumating si Perseus at itinulak nito ang kanyang ina. Sumigaw si Perseus ng tumigil na ang kanyang ina sa kanyang mga ginagawa ngunit hindi ito nakinig sa kanyang ina at tumakbo ito at nagtangkang itulak si Jeliah mula sa balkonahe pero kinuha ni Perseus ang kutsilyo at hindi siya nagdalawang isip na ihagis ito sa kanyang ina, tinamaan ito sa kanyang likod at siya ring naging dahilan ng pagkahulog sa balkonahe na kanyang ikinamatay.
                Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay agad silang tumakbo papunta sa silid ng kanyang ama. Nagpaliwanag si Perseus tungkol sa mga pangyayari at walang kaamok-amok na pinatawad ni Jeliah si Perseus dahil wala naman itong kasalanan sa kanya. Ipinagtapat narin ng dalawa ang nararamdaman nila sa isa’t isa.
                Pagkalipas ng ilang buwan ay nagdesisyon na silang magpakasal. Lahat ng mga maharlika at mga kalapit na kaharian. Ito na yata ang pinakaengrandeng kasal sa lahat ng mga naidaos na kasal. Biniyayaan sila ng kambal na anak at sila ay namuhay ng tahimik habang buhay.

No comments:

Post a Comment